CHAPTER 10
Nang sumunod na araw ay tanghali na akong gumising at hinanda ang mga gamit ko para umuwi na sa Sta. Catalina.
Huminga ako ng malalim bago ko tinungo ang CR at naligo. Nagtagal ako roon, pinag-iisipan kung itutuloy ko ba ang balak ko o maghahanap na lang ako ng bagong lugar na pwede kong mapasukan?
Ayos lang naman sa aking maging kasambahay, kung tutuusin doon naman talaga ang patutunguhan ng gaya kong walang natapos.
Napatingin ako sa pinto nang kumalabog iyon at iniluwa si Ate Ayi, suot pa niya ang uniporme sa restaurant mukhang nagmadali.
“Sa wakas gising ka na, hala, bilis! Kailangan ka sa restaurant!” Saad niya saka ako hinila palabas.
Napakunot ang noo ko bago nagpilit na bitawan ako.
“Ate tanggal na ako ano bang sinasabi mo?”
“Ay hija hindi ka tinanggal kaya ka nga hinahanap doon ’di ba? Bilis na bilis maraming costumer!” Hindi ko pa rin lubos na maintindihan ang sinabi niya pero nagpagtianod na lang ako.
Pagpasok namin sa restaurant ay puno nga, nagmamadaling bumalik si Ate Ayi sa post niya samantalang hinila naman ako ni Eureka para makapag-palit ako.
“Girl bilis!” Saad niya pa. Minadali ko ang pagbibihis at paglabas namin ay nakasalubong ko si Zyeus.
“Akyat ka raw muna Ate Vi sa office ni Boss.” Medyo kinakabahan akong tumango bago ako tumalima. Ano kayang sasabihin niya? Aalipustahin na naman ba niya ako?
Kumatok ako ng ilang ulit bago ko binuksan ang pinto, naroon si boss naka-upo at abala sa mga papeles.
“Miss Vixen, have a seat.” Itinuro niya ang sofa sa loob kaya naman naupo ako roon, taglay pa rin ang kakaibang pakiramdam ko sa kalooban ko.
“Pasensiya ka na nga pala sa ikinilos ko kahapon, I was just so stressed. I know mali, hindi ko dapat sa iyo inilabas ang galit ko pero nangyari na, kaya pasensiya ka na Miss Vixen.”
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko, ilang ulit akong kumurap pero seryoso talaga siya, kitang kita ko iyon sa kaniyang mga mata. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?
“Hindi na mauulit ang ganoong pangyayari, sige na bumalik ka na sa trabaho, marami raw tayong costumer ngayon.” Tumango na lang ako kahit na wala sa sarili ay lumabas ako sa opisina niya.
Kunot ang mga noo kong naglalakad papunta kay Ate Ayi na sinalubong ako ng isang matamis na ngiti.
“Sabi sa iyo hindi ka tinanggal e. May problema lang si Boss kahapon kaya ganoon.” Saad ni Ate Ayi, tumango naman ako, sinabi nga niya.
“But still it’s not right to vent your anger to someone innocent, tsk!” Asik ni Zach, napailing na lang si Zyeus bago tinapik ang likod ng kaibigan.
I agree but sometimes no matter how eloquent we are we just can’t help but to accidentally vent our anger over someone specially when we are frustrated about something.
Sabi nga nila, hindi mo ito mamamalayan dahil naghahari ang masidhing emosyon mo.
“Dude don’t be careless with your words.” Paalala ni Zyeus.
“Yeah yeah, as if. . .”
“Ay siya sige, bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo.” Sambit ni Ate Ayi, mabilis naman sa alas quattro na sumunod ang lahat maliban sa akin.
Parang nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan, tinignan ako ng nagbabantang tingin ni Ate Ayi kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
Binabagabag ako ng mga nangyayari. Bakit ganoon? Pakiramdam ko hindi talaga gusto ni Boss na nandito ako. Parang napilitan lang siya dahil ibang iba ang hitsura niya kanina, hindi siya ganoon sa mga normal na araw niya.

BINABASA MO ANG
silhouettes of the past | ✓
Romantik𝗽𝗵𝗼𝗲𝗻𝗶𝘅 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗶𝗶 𓆩♡𓆪 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their...