28

12 3 0
                                    

Four days has passed, we are here in Punto Vista for the ending scene of our movie. 

“Okay Dwight kaunting lapit pa kay Vixen!” The director instructed, I was just looking at him the whole time dahil iyon ang sabi ng screenwriter. 

When he moved a step closer, removing the inch distance between us, wala man lang akong naramdamang kahit na ano. Hindi bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi tumigil ang galaw ng mundo at mas lalong hindi nag-slow motion.

Mabuti na lang sabi nila may chemistry daw kami. I closed my eyes remembering what’s written on the script and the moment his lips touched mine, gusto kong lumayo. Pero hindi pwede.

“End. . . Cut! Good job everyone!” I bowed my head and thanked him, he only replied a smile at me.

“Ah Vixen.” Kunot ang noong tumingin ako sa kaniya. Peke siyang ngumiti bago ipinatong ang kamay sa ulo ko. 

“Okay ka lang ba? Well, I know magiging okay ka rin.” Mas lalo tuloy nalukot ang noo ko. 

Sinasabi mo? Okay ako, okay na okay.”

He didn’t said a word, sa lahat ng mga nakatrabaho ko he’s the most caring, nature na niya iyon kaya hindi dapat bigyan ng malisya. 

“Your Dad spilled a big scoop about your family, ’di mo alam? Nakita ko lang ngayon.” He then showed me his phone and shit totoo nga.

Napahinga ako ng malalim bago frustrated na nagbuga ng hangin. Tang ina ano bang pakialam niya sa buhay ko? 

“Vi, we have a problem.” Seah approached me. 

“Yeah, I’ve seen the news.”

“Tinawagan ko na si Rinna, she’s booking us a flight.” Tumingin si Seah kay Dwight bago siya ngumiti ng pilit.

“Ingat Vixen, see you next time. Nice working with you again. Hope it’s not the last.” He offered me his hand which I gladly accepted.

Nang makarating kami sa airport ay wala raw available na slots ng flight kaya hindi ko alam kung paano kami makakabalik ng siyudad ng maaga. Gusto ko lang namang bugbugin ang hayupak na ama.

“Hey, you’re Vixen, right?” Tinignan ko ang babae na tumawag sa atensiyon ko.

Alam kong isa siya sa mga kaibigan ni Kaiden pero siya ang namumukod tanging hindi ko maalala. Isang beses ko lang kasi siyang nakita noon, parang si Klein, pero natandaan ko ang lalaki dahil sa accent nito.

Ang babaeng kaharap ko kasi ay hindi nagsalita noon pero tumatawa siya. Ngumiti ako sa kaniya, kilala niya ako, may kasama siyang lalaking gwapo, asawa niya yata since they were wearing gold wedding rings.

“Yes.”

“Do you perhaps need a flight back to the city?” I only nodded at her.

“Follow me.” She said, I was about to decline but Seah and Rinna followed her. Tinignan ko na lang sina Jec at Deana.

Sinabay niya kami sa private plane niya, hindi na rin ako nakatanggi pa dahil mapilit siya at kailangan ko talaga ng tulong ngayon.

“Sino siya Vi?” Tanong sa akin ni Jec.

“Kaiden’s best friend.” I answered, at the mention of his name, my heart skip beat. I got it really bad. 

Pinauna ko sina Seah sa company namin para sila na ang bahala sa management, pinaalis ko na rin kaagad si Joel nang marating ko ang bahay ng animal.

Halos sirain ko ang gate nila kung hindi lang ako pinagbuksan noong isang binatilyo. Anak yata niya.

“Ate Vixen.” Kinakabahang tawag niya sa akin.

Silhouettes of the Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon