Nakatayo ako ngayon sa tapat ng school gate at kitang kita ko ang karangyaan. Isang bagay na hindi ko kailanman maabot pero dahil sa mga Alextre, nandito ako ngayon. Tama nga si Sir Kiel, mukhang nasa ibang bansa ang scenery sa loob ng pamantasang ito.
Ayaw kong mag-aral dito. Siguro ay sa Sta. Catalina na lamang ulit ako. Kahit pa narito ang panganay ni Sir Kiel ay hindi ko rin naman magagawang lumapit sa kaniya.
Oo mabait sila, ngunit nahihiya ako dahil kahit kailan ay hindi naman kami naging pantay ng katayuan sa buhay.
“Kai let's go!” Napatingin ako sa pamilyar na boses na iyon. Si Ma’am Maurice kasama ang grupo ng mga kaeskwela niya.
Napatingin ako sa gilid ko. Kasama ko ang pamilya Alextre ngayon. Nakangiting nakamasid ang butihing ina sa kaniyang anak na noon ay naglalakad patungo sa kung saan, suot nito ang pinaghalong kulay kahel at puting attire na ugma sa tema ng kanilang banda. Ngayon kasi ang festival nila at papanoorin namin ang performance nila.
Busog ang aking paningin sa mga nakikita at nagpatianod sa pamilyang kasama ko patungo sa tinatawag nilang auditorium.
“Good morning Phoenix! We are welcoming you to the opening of our month long celebration of the Fiorre Festival. And to formally begin the celebration, since we are done with our program, we would like to call our Phoenix band, version 2!” Ang taas ng enerhiya ng lalaking nagsasalita sa stage.
Mataman kong pinagmamasdan sina Ma'am Maurice nang umakyat siya sa entablado. Magaganda ang mga kasama niya ngunit nangingibabaw ang kaniyang angking ganda. Isang bagay na taglay ng mga Alextre, kahit saan mo sila dalahin ay mangingibabaw ang kanilang mga hitsura.
Napatingin ako sa lalaki na tumabi sa kaniya sa pagse-set up. Matangkad, maputi, chinito, kulay tanso ang kaniyang mga mata. Pantay pantay na mga ngipin at malalim na biloy sa kaliwang pisngi.
“Gwapo mo Wes panagutan mo ako!”
“Kai can you strum me like your guitar?!”
“Zia paisang palo rin!”
Napangiwi ako, ganito ba ang mga anak mayaman? Siguro ay hindi lang ako sanay. Nagsimula silang tumugtog pero nakatingin ako sa lalaking gitarista sa tabi ni Ma’am Maurice.
Ang gwapo niya.
“Hija, malapit nang matunaw si Kai.” Bulong sa akin ni Ma’am Serina. Napakunot ang aking noo sa kaniya.
“Po?”
“Iyong katabi ni Maurice, Kai ang pangalan niya. Kanina ka pa kasi nakatitig sa kaniya.” Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
“Nagagalingan lang po ako.” Tugon ko sa ginang.
“Hmm, hindi ba’t magaling din iyong bassist nila? Given na babae siya, bagay na bibihira mong makita sa isang banda. Kalimitan ay babae ang bokalista pero hayun, iyong drummer, babae rin.” Napalunok ako at doon ko lang naiikot ang aking paningin.
Oo nga, nakahawak sa violin si Ma’am Maurice, drum iyong babaeng may bilog na salamin, gitara iyong isang babae na kulay bughaw ang mata, iyong kulay abo ang buhok ay nasa keyboard at iyong babaeng kulay abo ang mata ay nakatapat sa mikropono.
Walo silang lahat. Mas marami ang babae.
“Good morning Phoenix! Since today is an especial day for all of us, we shuffled our positions in the band. We hope you’ll enjoy our performance. Let’s go Kira.”
Naghiyawan ang mga tao nang magsimula silang magpalit ng mga pwesto. Napadpad si Ma’am Maurice sa tapat ng keyboard at ang lalaking chinito naman ay pumalit sa drums.
BINABASA MO ANG
Silhouettes of the Past | ✓
RomantikPHOENIX SERIES 2 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will she sti...