9

11 4 0
                                    

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko nang marinig ko ang boses ni Kaiden. Tumunghay ako pero hindi ko binago ang posisyon ko. Tinignan ko lang ang walang lamang kalsada.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong niya sa akin, napatawa naman ako ng pagak. Nakakabaliw pala ang ganito.

When I looked at his face, gone was the cold man I saw earlier. His facial expression was soft and his eyes speaks too much volumes.

“Napuwing lang.” Napangiwi siya sa sagot ko bago ibinaba ang cellphone niya, may kausap pala siya? Sana hindi no’n narinig ang paghikbi ko dahil nakakahiya.

“Wala namang dumadaang sasakyan at hindi pa naman humahangin ulit. Bakit ka mapupuwing?” Tanong niya pa bago iniabot sa akin ang isang kulay bughaw na panyo, tinignan ko ang kamay niya nag-aalinlangang abutin iyon. Nakakahiya, marami akong dalang mikrobyo.

Iniwas ko ang tingin ko pero naupo siya sa tabi ko bago niya iniabot ang kamay ko at inilagay doon ang panyo.

“You can pretend all you want but you can still cry on me. You can still be vulnerable around me. That would be better, right?” My forehead creased, what is he saying?

Pretend. . .

Is there a need for me to pretend? Excuse me! All of my emotions are genuine. This cold hearted man! Gawa gawa ng kwento!

“Having someone who can listen to you when you wanted to burst it all out was a relief. And besides, expressing all that pained you does not always mean it should be to a person you knew very well. Sometimes it’s easier opening up to someone you don’t know to avoid judgments. Don’t you think?” 

“Ha?” Tanong ko sa kaniya.

Napailing lang siya bago huminga ng malalim. I understand his follow up statements and I agree with him on that. I do share the same sentiments as his but the first ones. . .

What was that for? That’s unnecessary and illogical. Pangit niya bumanat.

“Sabi nila kapag daw nahati ang puso mo, kapag sobra kang nasaktan. Sa mga panahong durog na durog ka, wala ka ng ibang gugustuhin kundi magpahinga. Kasi iyon lang ang tanging paraan para maibsan ang sakit. Pero sa mga panahong gaya noon, dun mo lang mauunawaan kung paano ba talaga ang buhay. Kung paano maglaro sa madayang sugal ng mundo.” Saad niya.

Well, that’s true for some. Especially for those who suffers trauma and those who lose their will to live.

“Kailangan mo pa bang masaktan para malaman iyon?” Tanong ko.

“Well yes, for me though, I mean in li—” He stopped, his forehead creased before he chucked softly. Damn, music to my ears. I blinked.

I held my gasp when I felt the familiar throbbing of my heart again. Heto na naman tayo.

“Dahil ang sakit na iyon ang nagbibigay sa atin ng kalakasang magpatuloy, ang sakit na iyon ay dapat magsilbing aral sa atin pero alam mo iyong masakit?”

Tumaas ang kilay ko. Ngayon ko lang napansing tumigil na ang pag-iyak ko. Medyo payapa na rin ang loob ko. Magaan siyang kausap.

“Ano?” Tanong ko.

“Kahit gaano karami ang sakit, kahit gaano karami ang mga aral na natutunan mo, kahit pa pinatatag na nito ang puso mo. . . Hindi mo pa rin maiiwasang kwestyunin ang mundong ginagalawan mo. Sa pera lang ba talaga umiikot ang lahat? Para saan pa ang pagkakapantay pantay na sinasabi nila, sa kabilang banda, mayroon nga ba?”

Para siyang abogadong nakikipagtunggali upang ipagtanggol ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay, pero napaisip ako.

Sa kinasadlakan ko ngayon, mas kinampihan ni Boss ang modelo na iyon; pantay pantay pa nga ba? Malamang hindi dahil mas mayaman sila. Kaya nilang bilhin ang lahat.

Silhouettes of the Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon