CHAPTER 23
“Siya ba? Siya iyong libra?” Paulit-ulit si Seah naririndi na ako. Hindi ako sumagot kaya pati sina Deana at Jec na mga make-up artists ko na ngayon ay bigla ring naintriga.
“Siya ba? Vi sige na.” Mabuti na lang talaga magaling at mabait siyang manager kaya nagaganito niya ako. Tumango na lang ako para hindi na siya magtanong pa.
“Oh my God he’s a hottie! Top one iyon sa bar exams!” Napatingin ako sa kaniya, wala akong alam sa bagay na iyon, well hindi ko rin nga alam na abogado siya. I sighed.
“Kaya pala Libra ha? Scale of justice. Now I know.” Nang-aasar pa niyang saad.
“Funny that I don’t even know he’s an attorney. I was talking about the shits of my life, how justice played with my heart.” I sighed.
“Yeah I remembered how shock you were when I told you the attorney’s name.” Pagsingit ni Rinna.
“Bakit ’di mo alam?” Tanong ni Jec. I had the urge to show them his handkerchief. Tagal na nito pero iniingatan ko.
Ito rin kasi ang unang gamit na ipinahiram niya sa akin. Ah mali, ito na lang kasi ang gamit niya na naiwan sa akin. Iyong iba hindi ko na alam kung nasaan.
“Ay? Change of career? I wonder what happened.” Ani Seah, napaisip naman ako, oo nga ’no?
Ano kayang nangyari bakit siya nag-shift? Halata namang mahal niya ang medisina kasi kung hindi, his handkerchief will never have a stitch of a syringe and his initials.
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ng sekretaryo niya. Anong side ng Libra ang tinutukoy niya? Was that related to what Maurice told me?
Did Kaiden shifted career because of me? To help me and my family? Jokes on you Vixen, pinaasa ka nga ’di ba? Bobo ka girl?
Gusto kong iuntog ang sarili ko at umasa na matapos iyon ay magbabalik ang alaala ko. Gusto ko na talagang maalala. Hindi ko naman alam kung paano, sabi kasi ng doktor ay huwag ko raw pilitin ang sarili ko.
The past few months madalas sumakit ang ulo ko tapos biglang may alaalang papasok pero saglit lang naman iyon. Sabi pa niya kailangan ko raw balikan ang pinakamasakit na tagpo sa buhay ko para maalala ko.
Pain is the best measure to have someone’s memory knock in their doors. Kaso, naalala ko na kung paano kami maltratuhin ng aking ama pero hindi ko parin naaalala ng buo.
Ano ba kasi ang karanasang iyon? Siguro iyong mismong aksidente. Nabunggo raw ako isang gabi malapit sa bahay namin.
I tried imagining the scenario but it was unhelpful, sumasakit lang ang ulo tapos wala na. Makakatulog na ako ng walang napapala.
“EKVL?” Tanong niya kaya tumango ako. Eros Kaiden V. Lopez.
Deana pulled a joke I wasn’t able to catch up. I creased my forehead and they started to explain it to me.
“Pighati.” Ani Jec.
“Imagine pulling a joke then you ended up explaining it.” Natawa ako, kahit kailan kasi ay ang corny ni Deana.
Nang makarating kami sa isang beach sa Balagtas kung saan gaganapin ang shoot ay malapit na lumubog ang araw, eksakto sa gustong konsepto ng stylist ko.
Para ito sa music video ng Where I Wanna Be song ko. Teaser lang siya muna dahil sa sampung kanta sa album ko na The Way I Am dalawa lang ang gagawan ko ng music video, since Libra was done.
After ng concert ito naman ang pagtutuunan ko ng pansin bago namin tapusin ang ending scene ng movie na napending dahil sa Paris Fashion Week.
Then pahinga nang isang buwan pero hindi natin sure kung pahinga ba talaga bago kami lumipad ng Spain para sa shoot ng telenovela ko.

BINABASA MO ANG
silhouettes of the past | ✓
Romantik𝗽𝗵𝗼𝗲𝗻𝗶𝘅 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗶𝗶 𓆩♡𓆪 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their...