19

7 3 0
                                    

The following week came and just like the past one, I never saw Kaiden again. Kahit anino niya wala. Ghosted ba ako? Wow, is this karma hitting on me now?

Huminga ako nang malalim, ang mga sinabi ni Zachary ay unti-unti nang nagkakatotoo.

Nakaharap ako ngayon sa salamin, suot ko ang isang white off shoulder long sleeves na pantaas, denim jeans at itim na sapatos. Nakalugay lang din ang aking buhok sukbit sa balikat ang isang bag na hugis bilog. Alas onse na ng umaga.

“May date?” Umiling ako kay Ate Ayi, nakatambay kami ngayon dahil sarado raw muna ang restaurant sabi ni Boss dahil pupunta siya ng Hong Kong, mag-unwind din daw kami.

“May lakad kami ni Zyeus ngayon.” Saad ko, halata namang hindi sila naniniwala pero hinayaan ko na. At kanino naman ako makikipagdate, sa hangin?

Napailing ako bago sumakay ng jeep, magkikita na lang kami ni Zyeus sa Mall of Asia Arena. Hindi naman ito ang unang beses na pupunta ako sa MOA pero kinakabahan ako. Last week lang ako nagpunta rito kaya naman fresh pa sa utak ko ang daanan pero naka-kotse kasi iyon.

Paulit ulit ang update sa akin ni Zyeus kung nasaan na ako, kinakabahan siguro siya at excited na rin. 

“Malapit na ako.” Sagot ko sa tawag niya.

“Hindi ka naman naligaw? Sabi ko kasi sa ’yo sabay na tayo.” Hindi naman namin kailangan magsabay dahil kailangan talagang maaga siya dahil alam kong dadagsa ang mga dreamers mamaya. 

“Kaya ko naman Zyeus, sige na nakikita ko na ang pangalan.” Saad ko na ang tinutukoy ay ang Mall of Asia. Akala ko maliligaw ako mabuti na lang ay may nakasakay ako kanina na dito rin ang punta.

“Maraming salamat po, Ate.” Saad ko sa babaeng tumulong sa akin. Ngumiti lang siya sa akin bago ako sinabihan na galingan ko. Hindi naman ako ang sasali pero nagpasalamat na lang ako.

“Zyeus, may number ka na?” Tanong ko sa kaniya. Nakita ko kasing may mga number iyong mga tao, tumango siya bago ipinakita sa akin ang mga numero. Nangunot ang aking noo at nanliit ang mga mata. Bakit dalawa?

“Sa ’yo ang isa.” Gulat ko siyang tinignan, hindi makapaniwala. Ang usapan ay sasamahan ko lang siya.

Traydor kang bata ka!

“Traydor ka! Ang usapan ikaw lang!”

“Sorry Ate, I just thought you would like it. But can you try for me? Samahan mo ako dali na.” Nagpumilit pa siya at talaga namang inuga-uga pa ako. Mas makulit pa siya kay Janz.

Umiling ako, ayaw ko, ayaw ko sa spotlight. Hindi ako kumportableng nasa akin ang atensiyon, ayaw kong mahusgahan lalo na ang mundo ng showbusiness ay masyadong masalimuot. 

Darating ang panahon na mahahalungkat nila ang nakaraan ko, at anong mangyayari sa akin? Saan ako pupulutin, kami ng mga kapatid ko? Ayos na ako sa kung nasaan man ako ngayon.

“Ayaw ko Zyeus. Hindi ko kaya.” Nakita ko ang pagdaan ng disappoinment sa mga mata niya pero ngumiti rin siya sa akin.

“Siguro hindi mo pa alam o wala pang nagsasabi sa iyo nito, pero alam mo Ate, iyong talento mo, iyon ang isang bagay na hindi dapat ipinagdadamot. Isang bagay na ipagmamalaki mo, kasi Ate nakita ko na, narinig ko na. At soon I’m certain, a spotlight will focus on you and you will be known by many for having those assets. Sa ngayon, maybe you need to focus on your confidence. Diyan ka kulang e.”

Sinermunan na naman niya ako, magkasabay kaming naglalakad papasok sa loob ng arena.

Confidence? Lihim kong sinuri ang sarili ko. I’m not that pretty, I’m skinny, I don’t have an ideal skin complexion. Add mo pa na maliit lang ako.

Silhouettes of the Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon