Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi, siguro ay dahil na rin sa sobrang pagod at sakit ng dibdib ko. Pero hanggang sa panaginip ko, nakikita ko ang mukha niyang nasasaktan.
Alas diez na ng umaga nang magising ako at sobrang sakit ng ulo parang nahahati, sobra sigurong puyat.
Nagtungo ako sa banyo upang maligo at nang matapos ay bumaba na ako. Nasa sala sina Janz, pinapanood ang recorded version ng pinakaunang concert ko.
“Good morning.”
“Hmm.” Tumango lang ako bago binagtas ang daan patungo sa kusina. Mayroong pagkaing nakahanda kaya naman mabilis kong tinuhog ang sausage at sumubo. Gutom talaga ako.
I was enjoying my brunch when I remembered the reason why I had a tough night, pain seed through my heart, my eyes began to swell. I sighed heavily.
No to deja vu Vixen. Don’t cry while eating.
I cheered myself and it unexpectedly worked. When I went back to my room to prepare my things I grabbed my phone and dialed his number. It took seven rings before he answered the call.
“Hello?” My forehead knitted and pain engulf my heart hearing a woman’s voice from the other end of the line. So he’s with someone?
Mukhang naging maayos ang gabi niya. I sighed, “Hello?” She asked again.
I was about to end the call when I heard him spoke. Bakit ganoon? Bakit parang may kumikiliti sa tiyan ko nang marinig ko ang boses niyang halatang bagong gising.
“Vixen?” I gulped. Dali dali kong pinatay ang tawag dahil nagkakarambola ang sistema ko. Anong nangyayari sa akin?
Attorney 💗
Hey, why did you end the call?Attorney 💗
Want to ask something?Hindi ko pinansin ang mga mensahe niya kahit pa kating-kati ang mga daliri ko na sagutin iyon. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan talaga ako dahil sa konklusyon ko ngayon sa utak ko.
Lumapit ako sa closet ko para kumuha ng mga damit na kakailanganin ko. Dalawang buwan daw kami sa Spain at hindi na kami magdadalawang balik dahil masyadong magastos.
Doon na lang ako bibili ng iba pang mga bagay na kailangan ko. Ayaw ko rin kasi nang maraming dala, napaka-hassle.
Hirap kong isinara ang aking luggage dahil sa dami ng laman, ala sais mamayang gabi ang lipad namin at ala-una na. Ang tagal ko palang naggayak.
Two hours before the flight kami pupunta ng airport para kung sakali mang may naiwan ay mababalikan pa namin. Naligo muna ulit ako dahil dadaan pa ako sa company dahil may emergency meeting daw.
Lumabas ako ng kwarto ko para makapagpaalam kina Mama kaso naabutan ko silang tatlo na mahimbing na natutulog.
Napangiti ako bago lumapit sa kanila. Hinalikan ko sila sa noo bago naghanap ng post-it note sa side table. Nagsulat ako doon at idinikit sa salamin bago ako lumabas.
Pagdating ko sa company ay nandoon na sina Seah kaya dumiretso kami sa conference room. Nangunot ang noo ko nang makita ko si Zachary sa loob. Seryosong seryoso siya at ang gatla sa noo niya ay lubos na malalim.
Pinag-usapan namin ang naging aksidente ni Zyeus at ang lahat ng mga scandals na nakapalibot sa buong kumpanya at sa mga artista.
Tahimik lang ako habang nagsasalita si Sir Bobby dahil nakakahiya. Ako ang may pinakamaraming issue-ng naiambag sa malinis na pangalan ng kumpanya.
Nang matapos ang meeting ay nilapitan ko si Zachary.
“Anong plano niyo?” Tanong ko sa kaniya.
“Dad wants to sue them. Of course that’s what we really need. Congrats nga pala sa pagkapanalo niyo sa case ng mama mo.” Nakangiti niyang saad pero kita ko ang nagtatagong lungkot sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Silhouettes of the Past | ✓
RomancePHOENIX SERIES 2 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will she sti...