CHAPTER 11
Nang sumapit ang sabado ay umuwi ako sa Sta. Catalina gaya ng aking nakasanayan. Malayo pa lang ako ay kita ko na ang masayang mansion ng mga Alextre.
Birthday nga pala ngayon ni Lola Almeira at sigurado akong naroon ang mga kapatid kong halos doon na rin tumira, ayaw din naman kasing pakawalan ni Lola Almeira.
Dumiretso ako sa maliit na bahay namin at naligo bago ako nagtungo sa Casa Alextre. Ang dami nilang mga bisita, karamihan sa mga ito ay galing sa mayayamang angkan kaya naman wala ako masyadong kilala.
Lumapit nalang ako kay Lia ang isa sa mga anak ni Mang Upeng, na mula pa pagkabata ay narito na.
“Lia, nakita mo sina Lex?” Tanong ko sa kaniya.
“Kasama ni Lola Almeira, ayaw ngang paalisin e. Tignan mo naman.” Inginuso pa niya ang mga kapatid kong nakasuot ng semi-formal. Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Nakakahiyang lumapit sa kanila. Ayaw ko muna.
Mukha silang galing din sa mga mayayamang pamilya, nakasuot si Lex ng kulay tsokolateng bistida na lumagpas sa kaniyang tuhod at isang kulay puting sandals.
Bagay na bagay iyon sa kaniya dahil hindi katulad ko, nakuha niya ang kulay ng kaniyang kutis sa aming ama. Si Jaz ay tulad kong mareno, nakasuot ng kulay itim na polo at itim din na slacks.
“Tulungan na lang kita Lia.” Presinta ko. Tumango naman siya sa akin kaya masaya kong binuhat ang isang tray na puno ng mga cupcake. Sanay na naman ako sa ganito kaya wala na ito sa sa ’kin.
“Ate Vixen,” pagtawag sa akin ni Maureen. Ngumiti ako bago siya tinignan sa mukha. Maganda rin talaga siya pero lamang ang ganda ni Maurice.
“May kailangan ka ba, Maureen?” Tanong ko, ngumiwi siya sa akin.
“Adelfa, makikisuyo naman nito. Ikaw na ang magdala. Let’s go Ate Vixen.” Saad niya bago ako hinila paakyat.
Nakarating kami sa itaas at nang buksan niya ang pintong kulay abo ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na silid bagaman ito ang unang beses na nakapasok ako sa kwarto.
Pinaupo niya ako sa bangko bago nagsipaglabasan ang apat na babae.
“Utos ni Lola, pasensiya ka na Ate, I’ll see you sa baba.” Sambit ni Maureen bago lumabas.
Napahinga ako ng malalim hindi alam ang gagawin nang simulan nilang itali ang aking buhok. Iyong isa ay naglalagay sa akin ng make-up. Iba iba sila ng ginagawa at hindi ko itatanggi na masarap ito sa pakiramdam.
Alam niyo iyong jamais vu? Ganito ang pakiramdam ko ngayon, iyong feeling na deja vu ang nangyayari pero ngayon mo pa lang naman mararanasan.
Matapos ang kalahating oras ay natapos na kami, pinagsuot nila ako ng isang bestidang umaabot sa kalahati ng aking binti, suot ko rin ang kulay itim na mataas na sandals.
Pagtayo ko ay nahihirapan akong magbalanse, para akong matutumba.
“Hindi ka ba sanay sa high heels?” Tumango ako sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin.
“Masasanay ka rin, sige, practice tayo. Lakad lakad ka muna dito sa loob girl.” Pero hindi ako tuminag, nakatayo lang ako roon at nakatulala animo malalim ang iniisip kahit pa wala naman.
“Sige na hija tiis ganda.” Saad pa niya.
Saglit kong pinakiramdaman ang sarili ko, kumunot pa ang noo ko dahil pamilyar naman talaga ang pakiramdam ko. Dahan dahan kong ihinakbang ang aking mga paa bago umikot.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi man lang akong natumba o natapilok. Bakit ganoon?
“Taray ni bakla nakikita ko future mo, magiging isa kang modelo at hindi lang ganiyan kataas ang heels na gagamitin mo. Mas mataas pa diyan.” Saad niya. Ngumiti lang naman ako, modelo, ako?

BINABASA MO ANG
silhouettes of the past | ✓
Storie d'amore𝗽𝗵𝗼𝗲𝗻𝗶𝘅 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗶𝗶 𓆩♡𓆪 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their...