Tahimik kong pinagmamasdan ang mga taong kumakain dito sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Mabuti pa sila, maayos ang buhay, sana ganoon din ako. Hindi ko mapigilang huwag mainggit. Masyadong madaya ang mundo. Bakit ganoon?
Pero ano pa man, ako rin naman ang may kasalanan dahil tinanggihan ko ang offer nila Mama Serina sa akin. Napangiti ako ng mapait. Mas mabuting makamtan ko ang tagumpay dahil dumaan ako sa butas ng karayom at hindi dahil Inilahad ito sa aking harapan.
“Vixen sa table six kuhanin mo ang order nila.” Tumango lang ako sa isang katrabaho ko bago ako lumapit doon. Apat na mga lalaking mga mukhang modelo.
Wala ni isa sa kanila ang maitulak kabigin. Bakit may mga adonis dito? Ilang ulit akong napakurap bago ako nakapagsalita.
“Same old, bro.” Saad noong lalaking may kulay berdeng mata, tunay kaya iyon? Ang guwapo niyang tignan Lalo dahil doon. Gwapo naman silang lahat pero napako sa kaniya ang mga mata ko.
Mataas ang ilong, mababalantok na kilay at mapupungay na mga mata. Manipis ang kaniyang labi at nagsusumigaw ang magandang kurba ng kaniyang panga. Parang ang sarap niyang titigan magdamag.
Lord, bakit naman po ako napalilibutan ng mga gwapo? Kung ano ano tuloy ang naiisip ko.
“I want to try this one.” Saad noong lalaking may salamin bago itinuro ang menu. Tumango naman ang kaharap nito na isang chinito.
Nanlaki ang mga mata ko nang batukan noong lalaking kaharap nang may salamin iyong isa niyang kaibigang nasa tabi ng bintana dahil abala ito sa hawak nitong iPad. Tumaas ang kilay nito bago tinignan ang menu namin, kulay bughaw naman ang mga mata niya.
“Same old, bro,” sambit nito bago tumango.
“Okay.” Maikling saad noong chinito.
Marami siyang sinabing pagkain, mabuti na lang at medyo sanay na akong magsulat na parang kinalahig kaya naman nakasabay ako sa kaniya.
“Thank you.” Sambit nito bago tumingin.
Nakita ko ang pagkunot ng noo nang lalaking chinito habang nakatitig sa akin. Lumunok din siya bago ipinilig ang kaniyang ulo. Pumikit siya bago tumingin muli sa akin dahil binabanggit ko na ang orders nila.
Lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo habang pinapanood niya ako. Nagtiim ang kaniyang mga bagang bago kinuha ang tubig na nasa lamesa at diretsong nilagok iyon.
“Bro, you okay?”
“Why would I not be?” Masungit niyang saad, wala na ang kalumanayan sa tinig na kanina ay naroon.
Ngumiti naman ako kahit nahirapan akong intindihin ang sinabi niya dahil makapal ang kaniyang punto. Halata namang dayuhan siya pero kakaiba pala talaga kapag narinig mo silang nagsasalita.
Ang wirdo niya, bakit parang may nakita siyang multo nang tumingin siya sa mukha ko? Bakit ganoon bigla ang reaksiyon niya?
“Kai, bro ako rin!” Napatingin ako sa babaeng papalapit. Matangkad, maputi, may bilog na salamin sa mata at umaalon ang kulay mais niyang buhok.
“Miss please add rice, piñacolada, blackberry lime cream puffs and lemonade. That would be all.” Malamig niyang saad bago muling bumaling sa lamesa.
Bakit siya bad trip bigla?
“Paki hintay na lang po ang order niyo. Thank you po.” Napangiti ako ako nagbow para makaalis na siya. Siya pala si Kai. Si Kuyang chinito na moody. Si Kuyang green eyes kaya anong pangalan?
“Thank you!” Masayang saad noong babae.
“Don’t beam at me Zia, that’s the payment for saving my ass earlier.” Sagot ni Kai.
BINABASA MO ANG
Silhouettes of the Past | ✓
RomancePHOENIX SERIES 2 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will she sti...