“Bye ate!” Kumaway ako sa kanila bago ako muling pumasok sa SUV. Walang nagbago sa Casa Alextre, pero mas gumanda ito sa paningin ko.
We’re on the way to the Balagtas for the music video shoot, nagka-car pool lang kami, most of the songs are OPM. Mas gusto ko talaga ang OPM.
“Malayo ang tanaw,
Ikaw ang iniisip walang iba.
Tama ba ito?
O tama nga ba?”Napatawa ako, that was included on the debut album of Dr3ams and I’m so proud Zyeus did that because of me. Hayst.
“Malungkot ang kanta pero natatawa ka? Vibes talaga kayong magkaibigan ’no? Si Zyeus pala ang sumulat niyan.” Puna ni Seah.
“I was the reason behind that song. That was his finals sa Xaviera.” I stated smiling, I looked like a proud sister, well, I really am.
“Oh? Broken ka?”
“Libra nga kasi.” Saad ni Rinna, I rolled my eyes. I remembered how frozen I was yesterday. I am always in trance when he’s near.
“Bakit ikaw pa,
Bakit sa iyo pa?
Ngunit gayon pa man,
Nais kong magpasalamat. . .”Sinabayan ko na lang ang kanta hanggang sa malipat ito sa kanta na isang beses kong narinig na kinanta niya sa akin noon, bago ako maaksidente. And that was the only non-OPM song on my playlist.
“Oh? Bakit may naligaw diyan?” Tanong ni Deana.
“Janz.” Pagdadahilan ko.
“Iba’t iba talaga kayo ng taste ’no? Pero wala bang balak ang kapatid mo pumasok sa industry? I heard him singing ang galing.”
“He wants to be a doctor, he’s very passionate about healing people especially children so I doubt he would and I will not allow him. Sapat na iyong mga naranasan ko noong nagsisimula pa lang ako. I will never be able to bear seeing him na naliligo sa itlog, na sinisigawan ng boo sa TV guesting at tinatawag na social climber.” Mahabang tugon ko.
Isa pa, bata pa lang si Janz ay tumatak na isipan niya na gusto niyang manggamot lalo pa at dahil sa gamot kaya nakakulong ngayon ang nanay namin. At ang gamot na iyon ay para sa akin.
I wiped my cheek when a lonely tear fell from my eyes. It’s heartbreaking how unfortunate people are always degraded in everything.
Habang sila dapat ang may mas access sa good health, sa education, sa mga pabahay, sa trabaho sa lahat. Pero wala. . . Kasi nga, pera ang labanan.
Iyong mga mahihirap lalong naghihirap. Social status really sucks at mas napatunayan ko iyan dahil sa pagbabago ng buhay namin.
Ganoon lang ang drama namin hanggang sa marating namin ang Batangas, dumiretso kami kaagad sa shooting place dahil kulang na talaga ako sa oras, isa pa, dalawang araw lang namin nirentahan ang isla kasama na ngayon, kaya kailangan talaga naming magdali.
Tulad ng dati, mabilis lang natatapos sina Jec at Deana sa pag-aayos sa akin, minsan nga ay tinatanong ko sila kung saan ba gawa ang mga kamay nila o kung kaya ba nila mag-magic.
Totoo, I’m amazed with them. Kaya simula noong ayusan nila ako noong birthday ni Lola Almeira, noong nagkaroon na ako ng malaki laking sahod para magkaroon ng make-up artists, hinanap ko sila.
Halos magkakapalit palit na nga raw ang mukha naming lima pero tutol naman doon si Rinna dahil hindi raw siya makakapayag. Masyado raw kaming maganda.
Mababa ang self-esteem niya pero para sa akin maganda siya. Nakangiti kong pinagmasdan ang kunot-noong si Rinna habang kausap ang stylist ko. Sa susunod na album na ire-release ko.
BINABASA MO ANG
Silhouettes of the Past | ✓
Любовные романыPHOENIX SERIES 2 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will she sti...