3

23 5 3
                                    

Nakangiti ako nang ihatid ako ni Kaiden sa kotse nila Ma’am Maurice. Nakaangat naman ang kilay ng anak ng amo ni mama sa kaibigan nitong katulad ko ay pawang may matamis na ngiti sa labi.

Hindi ko inakalang ang lalaking hahangaan ko lang noon sa malayo ay mayroon din palang pagtingin sa akin. Na akin na ngayong kasintahan.

“Wow Lopez, is that part of your duty being hailed as the new Mister High Schools?” 

Tumawa lang naman sa kaniya si Kaiden. Nakatitig ako sa kaniyang mukha. Parang musika sa aking tenga ang kaniyang pagtawa. Para ako nitong hinehele. Sandali pang nag-usap ang magkaibigan bago ako linungin ni Kaiden. 

“Bye, congratulations!” Saad niya. Lalapit pa sana siya pero itinulak na siya ni Ma'am Maurice. Ako naman ay pumasok na sa kotse dahil tinawag na ako ni Ma'am Serina.

Hindi pa kasi alam ni Ma'am Maurice kaya ganoon. Napangiti ako ng lihim bago ko ihinilig ang aking ulo sa bintana. Parang siraulong may multong ngiti sa mga labi. 

Masyado bang mabilis? 

Pero wala naman akong pakialam sa kung gaano kabilis ang mga pangyayari. Ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay ang kung ano ang mayroon sa amin.

Hindi ko tatanggapin ang kahit na ano mang tarpulin bilang pagbati sa aking pagkapanalo bagkus gagawa ako ng billboard na nagsasaad na ang bagong Mister High Schools ay akin ng kasintahan.

Napangiwi ako, at kailan pa ako natutong mag-isip ng mga ganoong klase ng ka-corny-han?

Dahil sa sobrang pagod ko ay nakatulog din ako kaagad, kinabukasan nagising ako sa tunog ng cellphone ko na regalo ni Lolo Spencer dahil sa husay na ipinakita ko sa patimpalak.

Tinanggap ko iyon dahil nagtatampo siya kapag hindi kinukuha ng mga ‘apo’ niya ang mga regalo niya. Sukat kasi na hindi na nagtuloy si Ma'am Maurice sa laban. Si Maureen naman at si Kuya Vaughn ay tanging pagtugtog at volleyball lang ang pinagkakaabalahan.

Mayroong text si Kaiden na mabilis ko rin namang sinagot. Mayroon daw silang group study para sa defense ng kanilang project proposal at dito sila sa Sta. Catalina gagawa.

“Vixen kilos na, uuwi tayo ngayon. Narito naman ang iba pang mga kasambahay, kailangan tayo ng tatay mo sa atin.” Nalukot ang mukha ko nang marinig iyon. Walang gana rin akong sumunod sa kaniya dahil wala naman akong pagpipilian.

Nag-text na lang ulit ako kay Kaiden nang nasa daan na kami pauwi nang bahay.

Kaiden 💗
It’s okay, I understand. Take this weekend as family days. Take care, Vixen.

Kinikilig na inilagay kong muli sa aking bulsa ang cellphone. 

“Mama si ate Kinikilig!” Sigaw ni Janz na mabilis na sinegundahan ni Lex.

“Oo nga, Ma! May kausap siya!”

Anong kinikilig?!” Malakas ang may punto pang Tagalog ni papa nang sabihin niya iyon. Natulos ako sa kinatatayuan at mabilis na umiling.

“Ano ka ba naman, nagbibiruan lang ang mga anak mo,” kalmadong sambit ni mama pero tinaasan lang siya ni papa ng kilay.

“Now what are you still standing there? Cook me lunch! Ang ibang tao kaya niyong pagsilbihan pero ako hindi!” Mabilis na napatago sa likod ko ang mga kapatid ko. 

silhouettes of the past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon