18

14 4 0
                                        

CHAPTER 18

Halos sabay sabay kaming bumati nang pumasok si Boss kasama si Maurice. Taas noo silang naglalakad pero tumigil si Maurice sa harap ko. Magkayakap pa rin kami ni Nat.

“When we fall in love, it always seemed like the world is against us. But don’t be afraid to fall in love, sila lang naman ang nagsasabi na hindi tayo karapat-dapat para sa isang tao.” 

Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinabi sa akin. Mukhang may alam siya. Rinig ko rin ang pagsinghap nila Eureka sa gilid. Binitawan rin ako ni Natalie .

“Kasi sa mundong ginagalawan natin, tayo lagi ang talo. Ang daming standards na mahirap abutin, maybe because it was too high, or it was too low, and sometimes, it was doubled. But trust me, there is no standards we need to follow when it comes to love.”

Marahan siyang ngumiti sa akin bago niya inayos ang buhok ko at pinunas pa ang ilang luha na hindi ko alam na mayroon pa pala.

“But loving someone comes all kinds of pain. You don’t have to worry, it’s part of it. Especially when you love someone that’s broken beyond repair.” Napakurap ako ng ilang ulit dahil doon, ngayon sigurado na akong may alam nga siya. 

“Pero isipin mo, kapag iyong paborito mong baso nahulog at nabasag, pupulutin mo pa rin naman hindi ba? Kesehodang masugatan ka. Fair warning Vixen, ihanda mo ang maraming band aid dahil hindi ka lang isang beses masusugatan ng nabasag na bubog.” Muli siyang ngumiti sa akin bago ako marahang niyakap.

Natuod ako sa kinatatayuan ko hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tama nga yata si Zachary. 

“So don’t let these bitches get a hold of us. Alextre tayo ’di ba?” Saad niya bago ako marahang tinapik.

“Pumunta ka tulad nang napag-usapan niyo. Pumunta ka dahil inimbita ka ni Zia. Pumunta ka kung gusto mong tuluyang makapasok sa mundo niya. Ilang years niyo na iyang na-delay. Saksi ako sa lahat ng ganap niyo mula pa highschool.” Tumango na lang ako sa kaniya bago huminga ng malalim. Tama naman Vixen. 

“Vi tara na, magbubukas na tayo. H’wag mo na muna isipin iyon.” Yaya sa akin ni Ate Ayi.

Tumango ako kahit mabigat ang pakiramdam ko, para akong lalagnatin, ayaw kong ihakbang ang mga paa ko at gusto ko na lang humiga. Mag-isip, tama ba ang naging desisyon ko?

“Malayo ang tanaw, ikaw ang iniisip walang iba. Tama ba ito? O tama nga ba?”

Napalingon ako kay Zyeus ng bigla niya iyong kantahin. Katatapos lang namin magsara. Hindi ako pamilyar sa kinanta niya pero tamang tama iyon sa nararamdaman ko. Gusto ko tuloy i-download iyon. Tapos kakabisaduhin ko.

“Ayos ka lang? Huwag mo na munang isipin. Masama lang talaga ang timpla ni Zach lately. And whatever that is going on between you two, I won’t judge you, but this time, can you choose yourself first?” Saad niya pa. Napahinga na lang ako ng malalim. 

“Anong title noong kinakanta mo kanina?” Tanong ko sa kaniya. Nahihiya siyang ngumiti bago umiling. Kumunot naman ang noo ko dahil doon. Epal din ang batang ito minsan. 

“Ah, nag-co-compose kasi ako ng kanta Ate. Para sa finals ko.” Saad niya. Ilang ulit akong tumango. Working student nga pala siya at Music ang major na napili niya.

“Maganda siya. Kapag natapos mo, record mo tapos send mo sa akin. Malay mo naman sumikat ka, pleasure ko iyong ako ang unang nakarinig ng debut song mo.” Sagot ko na natatawa. Tumawa rin naman siya bago umupo sa tabi ko. 

Nakapako ang mga mata namin ngayon sa TV na nasa harapan namin. Gawain namin ang ganito. Manuod ng TV matapos ang mahabang araw.

“Ang layo pa noon Ate, pero sana nga, soon.” Sagot niya. Tinapik ko ang balikat niya para sabihing matutupad iyon. May potential naman kasi talaga siya.

silhouettes of the past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon