20

10 3 0
                                    

Napangiti ako ng mapait dahil sa biglang pagpasok ng alaalang iyon sa isipan ko. It was him, we were still in highschool and it was outside our house in Sta. Catalina.

“I’m so sorry if you have to go through this because of what had happened before.” Maurice hugged me, caressing my back to console me. Bakit ang daya mo? Sobrang daya, aalis ka lang pala edi sana isinama mo na rin ang sakit. 

Pero napaisip ako, ano nga ba kasi talaga ang nangyari. Gustong gusto ko nang malaman ang lahat pero hindi ko mapilit ang sarili ko na maibalik iyon sa isipan ko.

“It’s gonna be hard for you but I trust you, and you also need to trust yourself and His process. Sasamahan kita.” Isang mainit na kamay ang humaplos sa akin sa kabila ng kabalisaan.

Hindi ko alam, siguro ay dahil si Maurice ang nagsabi noon at alam ko sa sarili ko na kaya niyang tuparin ang ipinangako niya.

Tahimik akong tumango hindi pa rin maawat ang pagbagsak ng mga luha ko. Matapos ang ilang sandali ay kusang napagod ang mga mata ko. Tama na Vixen, hindi mo siya kailangang iyakan, buhay pa siya. Patay lang ang iniiyakan. Buhay siya pero ghost naman.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa kausap, malamlam ang mga mata niya, parang nakikita niya ang sarili mula sa aking repleksiyon sa kaniyang mga mata.

“Ate Vi!” Lahat kami napalingon sa hinihingal pang si Zyeus, malaki ang kaniyang pagkakangiti kahit na hirap siyang huminga. Yumuko siya at humawak sa tuhod, mukhang may magandang nangyari sa kaniya.

“Kinuha ako ng The Zone Records!” Anunsiyo niya habang winawagayway ang papel na hawak niya. Ilang ulit akong kumurap-kurap bago napapalakpak.

Sobrang deserving ni Zyeus para sa posisyong iyon. The Zone, the top selling recording company in the country. They also has international talents signed under their records.

“Ang galing!” Malakas na sigawan may kasabay pang masigabong palakpakan. Napangiti ako at napapalakpak. Mahusay naman talagang bata si Zyeus. Lumapit siya sa akin bago ako niyakap. 

Tinapik ko ang balikat niya bago siya bumitaw sa pagkakayakap. Hindi rin nagtagal ang maliit na selebrasyon namin kailangan na naming buksan ang restawran. Hinatid ko si Maurice sa labas pero bago siya pumasok sa kaniyang kotse ay may sinabi muna siya.

Hindi ko alam, hindi ko rin naman sigurado. Baka sa matagal na pagkawala niya mawala rin ang nararamdaman ko. Mabuti iyon, dahil sa pagkakaalam ko, ang pag-ibig ay dapat bubuo sa ’yo at hindi kailanman man magdudulot ng sugat sa iyong pagkatao.

Napalingon ako sa gilid, hindi ko alam pero may naramdaman akong pamilyar na presensiya. I heaved a heavy sigh, mawawala rin ito. Mawawala rin siya sa sistema ko. Hindi man sing bilis ng pagdating at pag-alis niya sa buhay ko, alam ko makakaahon din ako.

That day we busied ourselves serving the people their foods and Zyeus was so gleeful, plaguing the whole restaurant with his jolliness.

Usual days passed by, until I get back to my old pace. Working three weeks straight at the restaurant then going home to Sta. Catalina every fourth week for a three days rest.

“Nakaka-miss si Zyeus.” Wala sa sariling naisatinig ko matapos naming isara ang restawran, October na, tatlong buwan na ang nakalipas simula nang sumabak si Zyeus sa intensive training niya. And it has been five months since he left.

I shook my head and brushed his face away from my mind. I should not be thinking of the person who left me hanging. I sighed deeply.

“And Natalie too.” My tears cascaded down my cheeks. This year, I lost three people. My best friend, my younger brother, and my could have been. Why do people always leave?

Silhouettes of the Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon