Three: Part of the Plan

208 4 0
                                    

Part of the Plan


After practices pinatawag kaming mga officers ni Ma'am Computer para sa isang meeting. Humingi siya ng ilang voulunteers para sa staff ng variety show. Oo, gusto kong maging staff, pero sa battalion yun. Hindi dito. So, hindi ako nag volunteer. Kaso itong mga kasama ko naman, parang ginagago na naman ako at sumali. Knowing the three of them, tamad yang mga yan.

"Sasali na yan!" Bulong sa akin ni Lexie

"Wag kang gumagalaw, naka tikas ka" Bulong ko din

"Nakatikas ka mukha mo. Naka attention ako" Okay... kung may balak na naman itong pikunin ako, more than willing na talaga akong sipain itong isang ito sa loob ng hanay. Pero nakatikas nga ako kaya hindi ako pwedeng gumalaw.

"Ayaw mong sumali? Diba dancer si Raine?" Bulong din ni Marianne. Sige lang, mang ingit kayo. Kayo din lang ang mahihirapan diyan. Alam ko namang tamad kayong mga leche kayo eh.

"Malay mo, ikaw yung taga abot ng bra ganoon. Tapos ikaw yung mag zizipper ng damit niya sa likod o ano"-Lexie. Isinusumpa ko kayong dalawa sa totoo lang. Hindi ko nga alam kung kelan ako pumayag na maging magkatropa tayo eh.

"Hoy, wag ganyan. Lalaki din yan" Thank you Devon! Siguro sa kanilang tatlo, siya yung pinakamatino!

"Madumi din utak niyan tignan niyo, pati si Junjun nakatikas! Hahahahahaha"

*boogsh*

Pasensyahan tayo. Hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Sumosobra na itong mga ito ahh! Kaibigan ko pa yang mga yan! Kung pwede lang, kanina ko pa pinasisente yang mga yan eh. Kaso hindi. Leche.

"Oy, Mr. Spade, nakatikas ka. Diba bawal gumalaw? One week move!" Ika ng core commander namin.

Nag push up position ako at kada isang bilang isang mura ang maririnig mong bulong ko. Nakangisi lang yung tatlong gago sa akin habang ako kawawang nag pupush up. Leche sila, leche talaga sila!

Maya maya, dinismiss na sila ni Ma'am Computer kaya dumirecho na ulit kami sa gym para sa next batch ng practice namin. Mabilis na lumipas yung practice kasi wala kaming ginawa ni Lexie kundi mag away. At dahil nga sa pamilya ko ang may ari ng school at sobrang demonyo daw ako pag nagalit, hindi na kami inawat ng mga teachers in charge at tuloy tuloy lang ang bangayan namin kasi naeenjoy din nila Devon at Marianne ang awayan namin.

"Oy, tama na yan. Amused na kami ni Marianne. May meeting pa tayo diba Lexie?" Tanong ni Devon kay Lexie na nakangiti na silang tatlo lang ang nakakaintindi.

"Ahh, Oo nga ano. Sige. Oh, haring baog, labas ka na! Hintayin mo na lang kami" Ika ni Lexie sabay bugaw sa akin na parang langaw. Binelatan ko na lang sila saka ako lumabas para kumain sandali.

Sigurado akong may plinaplano na namang sobrang sama itong mga ito eh. At alam kong mahal na mahal ko itong mga ugok na ito pero pag minsan talaga ang sarap lang nilang sipain papuntang mars!

(Devon's POV)

~About a few hours ago~

Naisipan muna naming takasan si Gus kasi nga naman, may meeting siya ng Student Council. Kaya andito kami sa tambayan namin.

"Kaninong damit yung nakasabit sa may puno ng mangga?"Turo ni Marianne sa may puno ng mangga. Aba Oo nga ano?! Naka hanger pa, nice.

"Kay August. Yung binasa ko kanina na tubig" Ika ni Lexie habang hawak hawak yung isang mahabang stick na parang pinangsusunkit sa Ukay ukay.

"Aaah..." Ganyan kami. Sanay na sa trip ng isa't isa. Naalala ko pa nga noong pinahawak ni Marianne yung bag niya kay Gus. At dahil nga sa sobrang babae nung bag ni Marianne, hinanap niya yung classroom ng meeting ni Marianne at pumunta sa loob saka niya iniscotch tape yung bag sa gilid ng board at nilagyan ng sticky note na nakasulat 'Baka akalaing bakla ako pag pinahawak mo saken ito. Sayang naman baka ma turn off yung mga chix ko sa akin. –August.'

"Nga pala, seryoso na ba tayo sa pag pupush ng ligaw ni Gus kay ins?"-Marianne

"Mejo. Bakit? May problema ba?"-Lexie

"Kasi hindi ko lang talaga maisip kung paano yung logic sa pagiging cupid ng dalawang player. I mean paano yung magiging takbo ng relationship nila kung sakali?"

"Teka teka, player si Raine?!" Halos maibuga ko na yung iniinom kong coke nang sabihin yun ni Marianne kaso sayang kaya nilunok ko na lang.

"Oo, hindi ko ba nasabi sa inyo?" Innocenteng tanong ni Marianne

"Hindi!" Sabay naming sagot ni Lexie

"Ay, ganoon ba? Sowiee ^_^V" Ika niya ng naka peace sign.

"Pero, paanong player? Kasing lupit ba siya ni Gus?" –Ako

"Hindi naman. Hindi siya nagdadala ng lalaki sa kwarto. Makikipag date lang siya tapos bukas, iba na naman ganoon. One day relationship ba ganoon. Pero sa one day na iyon siguro may tatlo siya ganoon." –Marianne

"Mas sagad pala si Gus. Pero Oo nga ano, paano na pala yan Lex? Magiging ano na lang ang kalalabasan ng lab team nila?" Tanong ko 

"Sa totoo, hindi ko din inexpect yan pero, tignan natin. Malay niyo, ito pang idea na ito ang makakapagpabago kay Gus diba?"-Lexie

Tanggap naman namin kung ano si August eh. Pero may malaking part sa amin na ginagawa niya lang ito para makatakas sa everyday perfect life niya. May mga –ex babae siya dito sa school pero ang akala ng lahat, parang normal lang yun. Mas marami siyang –ex babae sa labas ng school at kaya niyang pagsabay sabayin iyon kasama ng kanyang studies at extracurricular activities. Siguro for once, gusto niya lang magpaka imperfect ganoon ba.

"that means, tuloy tayo?"-Marianne

"Tuloy na tuloy" –Lexie

"Oh, ano nang plano natin na sigurong magbibigay good mood sayo at magbibigay inis kay August?" Napangisi naman ng sobra si Lexie nang marinig niya ang tanong ko

"Exactly 20 minutes from now, magpapatawag si Ma'am Computer ng meeting sa mga Cadet and Cadette officers at ayon sa aking narinig kaninang practice. Magpapatawag daw sila ng production staff—"

"Ano yung production staff?" –Marianne

"Yung parang assistant ng director, ganoon. Moving on. Ang production staff ang may karapatang magpunta sa dressing room ng mga dancers. Either prepared or unprepared. At alam naman ng lahat na dancer si Raine. Kung naging production staff si August, sigurado akong magkakaroon at magkakaroon ng possibility na magkakausap silang dalawa."-Lexie

"There's only one problem though. Tamad si August" Haay... kung alam niyo lang kung gaano katamad yang taong yan. Masipag nga mag aral, tamad namang kumilos. At dahil nga sa pangarap ng marami si August, siguradong pagkakaguluhan siya doon at ayaw niya ng sobrang daming ineentertain. Kaya ang malamang na sagot niya ay.. No.

"Well, kung saan tayo, nandoon naman si August. Kaya kung sasali tayo at hihikayatin siya, may 80% chance na mapapa Oo natin siya" –Marianne

Napagisipan naming itry nga yung plano. At nung maidismiss si August sa kanyang unang meeting, masama na naman yung aura niya kasi nakita niyang naka hanger yung damit niya sa puno ng mangga. Naipatawag kami sa meeting ng mga officers at sa tama ng prediction ko, nag No siya. Kaya nang mapalabas namin si August pagkatapos ng practice, kami naman ang nag meeting.

"So, epic fail ba tayo?" Tanong ko sa kanila

"No, hindi pa. Napag iwanan natin siya ngayon eh. Hindi niya tayo matitiis. Just you see" –Lexie

Nagumpisa nga ang meeting. At sakto namang kulang nga kaming mga staff. Nang nasa gitna na kami ng meeting, nakita kong nakangisi na si Lexie. Ibig sabihin niyan, nasa loob na nga si Gus.

"Oh, Mr. Spade will you come over here?" Tawag ni Ma'am Computer kay August. Nilingon naming lahat ang isang August Spade na papunta kay ma'am. Eto na ba yung sinasabi nilang, change in plans?

"Bakit po Ma'am" Kung hindi ka makukuha sa simpleng guilt card o temptation...

"Do you mind joining the group? Kulang kasi kami ehh" Gagamitin namin ang powers ng isang hot na teacher. At dahil nga sa hot ang teacher at hindi marunong tumanggi ang isang August Spade sa mga utos ni Ma'am Computer...

"What do I do ma'am? ^___^" Napapayag siya ng ganoon ganoon lang. What do I do daw? If I know him, What have I gotten myself into? Ang sagot niyan. 

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon