Me and Her
(August's POV)
Natapos naman ang shift ko sa Tsubasa kaya the best thing to do right now is to visit Sophie. On the way na din lang ako nang madaanan ko ang isang bakery. Naalala kong gustong gusto naming pareho yung crinkles nung bata pa lang kami. Bumili ako nun at dalawang kape.
Nasa 10th floor yung unit ni Sophie kaya kelangan ko pang sumakay ng elevator at nang makapasok ako sa unit niya. Nabato ako sa kagandahang nakita ko. Nothing useual naman, maroon kasing coffee table doon sa may malaking bintana niya overlooking the city. Nakaupo lang siya doon at pinagmamasdan yung view nang hindi ako napapansin. Parang ang lalim ng iniisip nitong isang ito.
"*ehem*" Umubo ako para mapansin niya naman ako kaya napatingin siya agad sa gawi ko.
"Gus." Tumayo siya sa pagkaupo niya at niyakap ako.
"Parang ang lalim ng iniisip mo doon ah" Ika ko nang makabitaw na siya sa yakap ko.
"I was just enjoying the view" Umupo kaming magkatapat sa may coffee table. Tinignan ko naman and she was right. The view is amazing.
"Kamusta naman yung stay mo dito sa Pilipinas?" Tanong ko
"Okay lang. Nabisita ko sila lolo at lola last week then I visited my tito and tita yesterday."
"So, day off mo ngayon?"
"I guess. I thought you had work?"
"Katatapos ng shift ko. Oh, and look what I brought" Inilapag ko sa lamesa namin yung crinkles at kape na binili ko.
"Halaa! Namis ko ito! *0*" Agad agad niya namang binuksan yung lalagyan at kumuha ng isa. Ang cute niya talaga pag gutom.
Hindi ko napansin, napapatitig na din pala ako sa kanya and to think, we also started out wrong. Don't worry, hindi niya ako inagawan ng empanada.
~Flashback~
6 years old pa lang ako noon. Ako ang pinakamalaking bully sa buong campus. I didn't care kasi kahit teachers hindi maka palag sa akin. In short, napakalaking gago ko noon. Sa murang edad, marunong na akong makipag suntukan kaya laging may band-aid yung mukha ko.
"Bitawan niyo ako!" Yan na naman ang exenang nakita ko umagang umaga. At dahil sa ayaw kong nasa ground ako,lagi akong nasa 2nd floor ng building mainit sa baba eh. Pero kahit nasa 2nd floor ako, rinig na rinig ko yung sigaw na yun.
"Hindi mo kami pinakopyahan kanina sa quiz ng English." -gagong lalaki 1
"Bakit ko sana kayo papakopyahin. Mag aral din kasi kayo!" -babae
"Kilala mo ba kung sino yung kausap mo? Ha, bata?" -gagong lalaki 2
"Oo, isang ugok na hindi nag aaral kasama ng mga kaibigan niyang ugok na hindi din nag aaral" -babae. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kasing tapang niya. Akala ko kasi hanggang Barbie lang sila eh.
Nakita kong susuntukin na ng gagong lalaki yung babae kaya kumaripas ako ng takbo papuntang ground. Nang nakita ako ng mga estudyante, binigyan nila ako ng daan para makalapit sa gulo. Agad ko namang hinawakan yung kamao ng gagong lalaki.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" Mahinahon pero matalim kong tanong
"Itong babaeng ito, hindi ako pinakopyahan sa quiz! Kaya bitawan mo na ang kamao ko." Noong una, hindi siya nakatingin sa akin, pero nung lumingon siya at yung mga kasama niya, nanlambot silang magkakabarkada
"Inutusan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya. Tch. Sinong ugok ba naman ang utusan ako?
"H-hindi. Hinding hindi n-namin yun magagawa sayo. H-hehehe. Takboooooo!" Binitawan ko yung kamao niya nang makatakbo na sila.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomansaWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?