Twenty seven: The other one

49 0 0
                                    

The other one


Bumalik din lang sa normal ang dati pagkatapos nung encounter sa amusement park. Raine has her manliligaws and I have my part time jobs. At dahil sa tanghali na, eto ako ngayon sa stage kasama ng mga kabanda ko. Ang usapan, at least apat na kanta per session at sa kasalukuyan, matatapos na ang aming pang apat ng kanta.

You look so perfect standing there

In my American Apparel underwear

And I know now

It's that one time na malakas ang loob naming kumanta ng rock songs habang tanghali. At dahil sa puro rock nga ang tugtog namin, halos pawisan kaming lahat. Magalaw kami pag rock eh.

"Ang hohot nila gurl!" Narinig kong sabi nung isang babae sa table 3

"Kaya nga girl, mas lalo na yung vocalist." -girl 2 from table 3

"Balita ko, nagiging waiter din daw yan pagkatapos ng gig niya." -girl 3 from table 3

"Gusto niyo pa ng desert girls?" -girl 2 from table 3

"Absolutely" -all three girls from table 3

That I'm so down

Your lipstick stain is a work of art

I got your name tattooed in an arrowed heart

Tinignan ko yung dalawang gitarista sa tabi ko na nakangiti ng nakakaloko. Narinig din siguro yung pinaguusapan ng mga babae sa table three.

"Mata mo boss" Ika ni Sky na nakatingin sa akin

"Diba loyal ka kay Ms. Raine?" - Eithan

Pasalamat kayong dalawa at hindi ako pwedeng magsalita habang kumakanta.

And I know now

That I'm so down

Nang natapos na yung kanta, bumaba agad ako sa stage para maghilamos at nagpalit ng damit pang waiter. Nagsuklay ako ng buhok ko sandali at naligo sa sarili kong pabango. Then nagumpisa na sa waiter job ko. Pero siyempre, hindi ako yung nag serve sa table three, inassign ko yun sa isa pang waiter kasi inaasikaso ko yung mga bagong dating.

"Good afternoon sir, may I take your order?" Tanong ko doon sa lalaking kasing edad ko na bagong dating lang.

"No, you may not." Ba'y gago ito ah! Tumingin ako kay Kuya Pierre yung kamay niya na naka four sign sa kamay niya. Aaahh...

"Oh, I see, I will call a different waiter/ waitress for you sir." Pagkaharap na pagkaharap ko sa likod ko binulong ko na lang na paulit ulit yung word na mabilaukan ka sana -_______-

"Yan yung pang apat." Ika sa akin ni Kuya Mikko sa may waiter's area. "Mukhang nakakainis ano?"

"Hindi lang mukha, talagang nakakainis!" Sagot ko naman habang sinasamaan ko siya ng tingin kasi parang ang saya saya niyang kausap si Raine.

"Don't worry, pare pareho tayo ng impression. Akala mo nga anghel pag kasama si Raine eh. Pero daig niya pa si wrong grammar millionare sa kahanginan. Ang pinagkaiba naman nito sa lahat ng mga manliligaw niya. Almost alike sila nung boyfriend niya na actual. Simple pumorma, ayos din ang damubs niya."

"Hey, kahit karibal ko ang sarili kong buddy, hindi ganyan kahangin si Shawn. Well, ganyan siya dati pero hindi na ngayon."

"Almost alike nga diba?"

"Sorry naman. So, paano naman naging mahangin yan?"

"Minsan, umuwi siya dito. At dahil nga pag minsan bored ako sa front desk, tatambay doon sandali si Raine, tapos magbibiruan kami. Nagkataon namang pumunta siya sa resto, inaya si Raine na lumabas. Sa akin siya nagpaalam, pumayag naman ako. Habang nagpapalit siya sa locker room, hiningit ako sa kwelyo nung lalaking yun, tapos maangas niyang sinabi na sa kanya lang si Raine. Gustong gusto kong tutukan ng espada yung isang yun noong ginawa niya sa akin yun pero pinigilan ko na lang yung sarili ko."

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon