When she came back
"Ihahatid ko na kayo sa mga bahay niyo and that's final"-ako
"Sige. Kalimutan mong mag kakaibigan tayo" -Marianne
"Kaya nga. Papalayasin ka namin sa tambayan" -Devon
"Hindi ka na namin hahayaan na lumapit kay Raine" -Lexie
Lexie... queen of blackmails. Wala na din akong nagaawa, sinama ko na sila papunta sa airport. Goodluck na lang kay Sophie. Jusko. Nang makarating kami sa airport, naghintay kami sa may waitng area ng airport.
"Sure kang ngayon yung flight niya?" -Lexie
"Yeah. Siguro malapit na siya o ano." Sagot ko habang naghihintay pa din.
"Or maybe, she was waiting for you for like 30 minutes" Nagulat ako nang may nag English sa mga loko
"Marianne, is dat you?" -Ako
"Hindi ahh. Lexie?"-Marianne
"Grabe, sa tingin niyo may accent akong ganoon? Baka si Devon pinataas lang yung boses?" -Lex
"Hindi ahh" Sabay sabay kaming lumingon sa likod at nakita ang isang nilalang na sobrang ganda na akala mo sabon eh photoshop.
"Do we know you?" -Sabay sabay naming tanong
"I'm not sure about the rest but I definitely know you" Ika nung babae sabay turo sa akin
"Baka isa sa mga chicks mo"-Marianne
"Hala, baka naanakan mo na"- Lexie
"Taga saan naman yan ha?" -Dev
"A-ako?" Shet, baka naman naanakan ko nga itong isang ito! Jusko! Pinagpapawisan na ako nang bigla siyang ngumiti na mas lalong naging dahilan para pag pawisan ako.
"Yeah... you." Lumapit siya bigla sa akin samantalang yung mga kaibigan ko napa one step backward pa.
"Kung ano mang ginawa ko sayo, patawarin mo ako hindi ko sinasadya kasi lalaki din ako at natutukso din ako kaya nagawa ko sayo yun kaya I'm so sorry" -Ako na napapikit lang kasi feel ko sasampalin ako nito any minute. It's not that I'm afraid or something. Kasi kahit naman sino masasaktan pag sinampal eh.
Hinihintay ko yung sampal niya pero wala namang dumadating. Minulat ko yung mga mata ko at nakangiti lang siya doon.
"I really missed your weirdness Gus" Wait... what!? Kilala niya ako sa nickname. Nilapitan ko siya at tinignan ng mabuti yung banda sa gilid ng mata niya. Nandoon yung hinahanap kong palatandaan ko. Siya nga ito.
"Sophie?"
"Finally! You got that one right Gus!" Yumakap siya sa akin na parang hindi niya ako nakita ng 10 years.... Wait. 10 years naman talaga kami hindi nagkita.
"Yieee! I missed you!" -Sophie
"Like I didn't miss you" -Me
"Ehem" -Marianne, Devon, Lexie
"Ay sorry. Um... Sophie, ito yung barkada ko, Si Devon, Marianne at si Lexie. Guys, ito si Sophie" Nag handshake naman sila
"Nice to meet all of you ^_______^" -Sophie
"Really? Lahat na lang ng magaganda at mapuputi nakukuha ni Gus" -Lex
"Ano bang meron siya at lagi niyong pinapatulan?" -Marianne
"Yung mga ganyang tipo hinahabol eh. Swerte na naman niya siya yung hinahabol"-Dev.
Napachuckle na lang si Sophie ng mahina at pinulupot niya yung kamay niya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?