Eleven: When his world collapsed (p1)

95 0 0
                                    

When his world collapsed (p1)


Pagkatapos nung date namin ni Raine, naging maayos din naman kami kahit papano, nililigawan ko pa din siya at binibigyan ng Mogu Mogu pag nag aaway sila ni Shawn. Pero ni minsan, hindi ko kinausap si Shawn huli na noong tinawag niya ako ng medics. Ang problema na lang, bihira na kaming nag uusap. Ang weird nga eh. Dati ayaw kong mapalapit sa kanya kasi alam kong magugulo lang yung buhay ko pero ngayon, gusto kong guluhin niya pa yung buhay ko.

"Ang sabihin mo lang, mahal mo na siya" –Lexie

"Hindi ngaa! Paano mo ba malalaman kung in love ka na sa isang tao?" –Ako

"Pag nakita mo siya, kahit maraming tao, siya lang makikita mo. Ganoon ba" –Devon

"Pag nagkalapat ang balat niyo sa isa't isa, mararamdaman mo yung init o di kaya kuryente" –Marianne

"Maririnig mo yung sarili mong heartbeat" –Devon

"Hindi mo matanggal tanggal yung tingin mo sa kanya" –Marianne

"and you'll have the urge to kiss her pag malapit na kayo sa isa't isa" –Lexie

"As if namang mararamdaman ko yang mga yan. And besides, kissing? It only leads to lust"-Ako

"Ngayon lang yan... maya maya mararamdaman mo yang mga yan tapos pasasalamatan mo kami" –Lexie

"Tch... As if"

"Deny pa more! Future cousin-in law!"

Lumabas muna ako sa classroom kasi alam kong mababaliw lang ako pag nanatili ako doon. Mula sa classroom namin, nakita kong naglalaro ng volleyball si Raine sa baba. Dahil sa tapos naman na ang aming final test at wala naman na kaming gagawin, nanatili lang ako sa labas at pinanuod siya. Ang cute niyang maglaro.

"Hey! Matunaw!" Ika sa akin ni Devon

"Lubayan mo ako kung babaliwin mo din ako" –Ako sabay form ng cross sa mga fingers ko

"Wala akong balak gawin yun. Sasamahan kitang tunawin si Raine. Tinamaan ka na din sa pinsan ni Marianne ahh"

"Hindi ako tinamaan. Kasi pag tinamaan ako, goodbye conquests... sayang naman yung niregalo sa aking condominium kung hindi ko gagamitin diba?"

"Sa bagay... eh di gawin mo sa kanya!" Nasamid ako sa iniinom kong coke in can nung sinabi ni Devon yun. Kahit pala good boy itong isang ito may alam din palang ganoon!

"Baliw! Wag ganyan. Nirerespeto ko itong isang ito. Bata eh"

"Bata daw... Sige... tatanggapin ko yung reason mo."Ngumiti siya habang  pinagmamasdan si Raine "Tignan mo ohh, kung sino mang nilalang ang makakatuluyan nitong isang ito, swerte."

"Bakit naman?"

"Tignan mo. Maganda, Masiyahin, May pakisama, girlfriend material ba."

"Swerte si Shawn"

"Bakit? Wala ka na bang balak na ituloy yung panliligaw mo?"

"Itutuloy ko pa din. Pero, malay natin baka si Shawn na yung forever niya"

"Preh, may forever ba?"

"Walang forever."

"Pala, kung yan yung paniniwala mo, eh di, may pag asa ka pa. Wag ka lang sumuko"

"Parang pinapalabas mo na seryoso na ako kay Raine ahh" tinignan niya lang ako at napasabunot sa ulo niya

"Ang haba haba ng advice na binigay ko tapos hindi ka pa rin seryoso sa kanya?!!! Utang na loob Gus!" Natawa na lang ako samantalang si Devon bumalik na sa classroom.

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon