Twelve: Ways to Move On

102 0 0
                                    

(a/n: Trust me, I don't know a thing about moving on. All I know is that I used these methods before and it worked for meXD Results may vary?XD)

(August's POV)

Nagising ako recess na. Great... Wala na akong naintindihan sa mga lessons namin. Kahit naman siguro pag gising ako, wala din akong maiintindihan. Arggh!

"Woah! Gising na ang hari! Kain na tayo" Narinig kong sigaw ni Devon. Lumingon ako sa likod ko at nandoon yung tatlo na hinihintay pala ako.

Lumabas kami ng classroom pero hanggang ngayon, parang wala akong ganang kumain. Kasama kong naglakad lakad sila Lexie at napadpad kami sa tambayan namin tuwing recess.

"Ako nang bibili ng puds. Ano sa inyo?" –Marianne

"Coke at Champorado" –Devon

"Yung cheese sandwich at juice" –Lexie

"Sama na ako sayo. Alam ko namang hindi mo mabubuhat lahat yun eh" Ika ko sabay tayo sa pagkaupo ko.

Sinamahan ko si Marianne sa pagpunta sa canteen. Nang makaalis kami sa tambayan, wala pa ding nagiimikan sa aming dalawa.

"I tried to stop her you know? Kwinento ko sa kanya yung tungkol doon sa 30 days na ipon mo." –Marianne

"Well, she did mention it to me. Pero nag deny ako."

"Bakit ka naman nag deny?"

"Kasi ayaw kong kaawaan niya ako. Ginusto ko namang mag ipon diba?"

"Sa bagay. Effort mo din naman yun"

"Hayaan mo na. Hindi naman na bago sa akin itong feeling na ito.. Hindi na siya masyadong masakit."

"Let me tell you something. Alam mo, ang isang heartbreak ay parang isang trangkaso. Ulit ulit mo itong maeexperience sa buong buhay mo. Nakakasawa nga pag minsan eh. Sasabihin mo na lang "Tss... trangkaso na naman" pero kahit na ganoon. Hindi mo maipagkakait na nararamdaman mo pa rin yung sakit hindi ba?"

"Oo. Pero hindi ako heartbroken." Tinignan ko siya at ngumiti "Salamat though"

"Para saan? Sa Words of Whiz?"

"No. Thank you for trying to stop her. But for now, mas gugustuhin kong makita siyang Masaya sa piling ng iba"

"Di mo bagay mag habol Spade"

"Hindi naman talaga ako nanghahabol eh! Huh! Ako kaya ang hinahabol!"

"I like you better that way ^___^" Nakangiting sabi ni Marianne.

Tama naman siya. Ako yung hinahabol. Sila yung nagpapakatanga sa akin! Bakit ba ako nagluluksa?! Ako yung nagsasabi sa kanilang there are loads of fish in the ocean tapos ganito ako?  magpapaka tanga sa isang babae??  Tuh! Si August Michael Spade ata ito.

"Yiee! Manlilibre na yung mag siyota!" –student

Napatigil naman ako doon. Paano, andito na kami sa may cafeteria este talipapa pala. Tapos ano bang makikita dito? Umm, wala naman masyado. Yung bagong magsyota lang naman. No big deal -______-

"Gus?" –Marianne  "aw fvck. Mag isa ko lang dito" Narinig ko pang bulong niya. Alam ko namang hirap siyang patigilin ako pag magisa niya lang. Get a grip Spade!

"Let's go ^___^" –ako

"Ha?"

"Sabi ko, tara na. Recess doesn't last forever right?"

"A-ah... Okay"

Nilagpasan lang namin sila at binili yung mga dapat bilhin para sa barkada. Nang mapunta ako kay ateng nagtitinda ng empanada, napatigil ako nang makita kong iisa na lang yung natira. Akin na ata yun.

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon