The Kitchen Story
(a/n: mejo, sidestory lang to. Para naman hindi puro August at Raine. heheheXD)
(Dev's POV)
Dahil sa takot akong ma sunog itong bahay, hindi ko na hinyaang magluto si Lexie. Jusko po. Marunong namang magluto si Gus, pero tinatamad kaya kami na naman ang pinagluto. At dahil sa pareho kaming involved ni Marianne sa kitchen business, siguradong kung ano ano na naman ang pag eexperementuhan namin. Tulad dati. Nga pala, tulad ni Gus at nung Sophie, kami ni Marianne mag childhood friends din kami... paano? Ganito...
~Flashback~
Saturday. My favorite time of the week. Paano naman kasi, ang ganda ng mga lineup ng cartoons ngayong Saturday na kadalasan wala sa mga weekdays. Pero sa kabutihang palad nga naman, andito ako sa loob ng kotse namin kasama ang mama ko at sa pagkakaalam ko kung saan saan na naman niya ako dadalhin.
"I don't get why I still have to go with you mom."
"Sumama ka na! Mamaya ma kidnap si mama. Ikaw ang mag rerescue" –Mama
"Eh di mag hire tayo ng bodyguards mo"
"You are such a KJ Dev."
"What's a KJ?"
"You ruin mommy's fun"
Magsasalita pa lang sana ako pero huminto na kami sa isang mansion. Hmph. Mas malaki yung bahay namin dito. Pinapasok naman agad yung kotse namin sa loob ng gate at doon, sinalubong si Mama ng isa pang babae na kasing edad niya. Magkaibigan siguro sila.
"Oooh! Is this Devon?" –babae
"Oo na nga mare. Saan naman yung anak mo?' –Mom
"Nasa loob siya, ayaw lumabas busy sa pagbebake eh. Tara pasok" Pinapaksok kami ng babae sa loob ng bahay niya at nakita kong marami pala siyang paintings at maraming pictures. Hanggang sa napatigil ako sa isang picture ng babaeng kasing edad ko lang siguro. Wow... ang ganda niya. Then na realize ko na lang na wala na pala sila mama. Halaaa! Nalagot na! Naglakad lakad na lang ako hanggang sa karinig ako ng nga footsteps... jusko... takot pa naman ako sa mga multo kahit umagang umaga! T_____T
Tumingin ako sa likod ko... wala. Sa left... wala. Sa right, wala. Walang tao sa paligid. Naglakad lakad na lang ulit ako pero meron talagang footsteps.
"H-Hoy! Kung sino ka man, lumabas ka diyan!" –Sigaw ko pero wala talaga.
Lumingon ako ulit sa likod ko pero walang tao nang humarap ulit ako sa dating direction ko, may babaeng sobrang lapit na sa akin na sobrang puti ng mukha.
"Waaaaaaa!!!" Sa sobrang pagkabigla ko, napa upo ako sa sahig at nag form ako ng cross gamit yung mga daliri ko. "L-lumayo k-ka sa akin m-multo ka."
Pero mas lalo siyang lumapit sa akin ako naman paatras na lang ng paatras na nakaupo pa din sa sahig hanggang sa napasandal ako sa isang pader. Waaah T_________T
"W-wag m-mo akong saktan multo k-ka!" Inilapit niya lang yung mukha niya sa akin at pinahiran ako ng icing sa mukha. Maya maya tumatawa na siya.
"Hahahahahaha! Multo daw! Hahahaha! Matatakutin ka pala!" –babae
Pinahiran ko yung mukha ko gamit yung kamay ko at tinikman yung icing. Yan tuloy, nag crave ako ng cake.
"H-hindi ka multo?" –ako
"Hindi! Grabe lang" –babae na nakangiti at naglahad ng kamay para tulungan akong tumayo. Kinuha ko naman yung kamay niya at tumayo na. Tinignan ko yung kamay ko at puti na din... flour.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?