My Rivals
I say....
Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you I can just look up
and know the stars are holdin' you, holdin' you, holdin' you
tonight
Finally, tapos na yung session namin. At dahil sa gutom yung mga lalaki, hinayaan ko muna silang kumain sandali. Lumabas ako ng bistro at umupo sa may sidewalk. Umipsa na nga ng summer vacation ko. Si Marianne, busy sa restaurant nila. Si Lexie, nag stay muna sa bahay nila sa ilocos at si Devon... sa tingin ko naghahanap pa lang ng paraan para makatakas sa baguio. Alam kong pwede kong gawin din yang mga yan pero mas pinili kong magtrabaho.
"Parang ang lalim ata ng iniisip mo." Nakita kong nakasandal sa may wall si Kuya Pierre habang may yosi sa bibig.
"Hindi naman ganoon kalalim. Nagpapahangin lang kumbaga." Sagot ko naman.
"I can't believe na ang dami dami na ng mga taong pumapasok sa restaurant ngayon. And it's all thanks to you and your band"
"All we do is sing and have fun." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko.
"Alam mo bata, dati mejo mahina yung business dito kasi despite sa tanghali lang kami nag oopen at sa gabi, walang masyadong tao ang dumadayo sa parteng ito ng syodad. Sabi ni Ma'am Guillermo, hindi niya daw ipapasara ito kasi dito siya nagsimula at gusto niyang makitang nakatayo pa din yung roots ng success niya. Hanggang sa pumasok na lang bigla bilang waitress si Ma'am Raine. Pagkatapos noon, marami rami na ang pumupunta dito kasi sobrang bait niya at sobrang ganda. Ngayon, mas malakas na yung business kasi andito na kayo. Kaya ang laking pasasalamat namin at dumating ka."
"So what you're saying is, may mga karibal din ako dito?" Tama na sa akin si Shawn at yung mga kutong lupa sa Deck High pero, hanggang dito ba naman?!
"Bakit? Nililigawan mo ba si Ms. Raine?"
"M-Mejo... Argh pero that's not the point. Ilan sila?! Anong pangalan nila?! Tell me, Tell me!" Ika ko habang inaalog siya
"Kalma. Napaghahalataan ka bata hahaha" –Kuya Pierre
"S-Sorry"
"Isa pa lang yung nakita mo habang nagpeperform ka. Meron pang tatlo. Yung isang yun na nakita mo, manager ng grocery store. Malalaman mo na lang yung iba sooner or later kaya ihanda mo yung sarili mo sa matinding pagseselos" Ika niya kasama ng isang nangagagong ngiti
"S-sinong nagsabing nagseselos ako? Hindi ako nagseselos"
"Okay. Suit yourself then."
"Isa pa, taken si Raine."
"Alam namin. Payag kami sa mga pinagagagawa niya sa buhay niya as long as hindi niya sasaktan ang sarili niya. Pero totoo yung sinasabi naming may tiwala kami sayo na hindi mo siya sasaktan. Kahit nga si Skull napa Oo mo eh"
"Eh bakit ako yung gusto niyang tagain at hindi yung lalaking lumapit sa kanya nung panahon na iyon."
"That's his way of saying he likes you." Nakangiting sabi ni Kuya Pierre "Trust me, mas hindi maganda yung ginawa naming apat nung nagkakilalakilala kami. Tinutukan ako ni Skull ng butcher knife, kwinelyohan ako ni Joanna, habang nakatutok yung espada ni Mikko sa likod ko."
"Anong tinutok mo sa kanila? At ano naman si kuya Mikko?"
"Si Mikko, Ronin yan, patay na kasi yung master niya kaya dito dumirecho sa Pinas para magbagong buhay. Oh and tinutukan ko sila ng baril." Nakangiting sabi niya
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?