Forty Six: Weddings

89 2 0
                                    

Weddings

(Raine's POV)

Timeline: Two days before the bridal shower

Parang wala na talaga akong takas dito sa kasal na ito. Well, it's my last two days of freedom kaya bakit hindi muna ako maglakad lakad.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang cake shop. Yung cake shop na paboritong puntahan ni Agosto nang dahil kanilang red velvet cake. Yun yung binili ko at umupo ako sa isang bakanteng table for two.

"Hija, pwede ba akong makiupo sayo?" Tanong ng isang matanda na hindi naman sa uugod ugod na kasi mukhang malakas pa itong isang ito.

"Sige lang po" Umupo siya sa upuan sa tapat ko at nag umpisang kumain.

"Hija, bakit parang mag isa ka lang?" Tanong ng matanda

"Tumakas lang po kasi ako sa bahay."

"Bakit ka naman tumakas? Masama ba yung mga nag aalaga sayo?"

"Hindi naman po. Gusto ko lang po takasan yung pressure at stress na binibigay sa akin ng lolo ko."

"I think I get you. Stressed din ako sa apo ko." Ika ni lolo looking so sad

"Bakit naman po?"

"Kasi hija, ginagawa ko naman ang lahat para sa kanya. Para maging maganda yung kinabukasan niya para mamuhay siya ng maganda. Pero bakit itinatanggi niya pa yung offer ko? Haaay mga kabataan, hindi ko kayo maintindihan."

"Natural lang po sa amin ang matigas ang ulo kasi po meron po kaming pinaninindigan. Baka po, itinali niyo siya sa isang arranged marriage na obvious namang ayaw niyang pasukan kasi may nililigawan siya o ano." Seriously, mag aadvice na nga lang ako, situasyon ko pa yung gagamitin ko. Abnormal ka talaga kahit kelan Raine

"Nirerespeto po namin kayo at masaya po naming tatanggapin yung mga offer niyo kung ibibigay niyo po sa amin ito ng maayos at hindi sapilitan." Pagpapatuloy ko.

"Sa tingin mo yun yung nararamdaman niya ngayon hija?" Tanong niya

"Sa tingin ko po." Sagot ko naman. Ngumiti siya habang nakatingin sa cake niya

"Siguro tama ka nga. Ano bang pangalan mo apo?" Tanong niya

"Raine po. Raine Guillermo"

"Ikaw yung kaisa isang apo ni Jose?" Tanong niya na parang gulat

"O-Opo."

"Best friend ko siya noong college kami. Guillermo ka nga, kuhang kuha mo yung mga traits."

So, itong matandang nandito sa harap ko ngayon, siya yung best friend ni lolo noong college sila. Hindi niya sinabi sa akin eh. Ang alam ko lang, itong lalaking ito daw yung nagligtas sa kanya sa pambubully ng mga frat student noon. Mukhang mabait nga tapos may hawig pa sila ni August.

-------

(August's POV)

Timeline: Wedding day

Sabi nila, hindi mo daw pwedeng tignan yung bride bago yung wedding kaya eto ako ngayon nasa loob na ng church. Katabi ko ngayon si Devon na kasama ko ding nakaputi.

"Seryosong wala nang atrasan ito" –Dev

"Tanga din natin ano? Bakit tayo umuwi dito?" –Ako

"Tanga ikaw din lang ang may kasalanan, dinamay mo pa ako" Tumawa muna kaming pareho hanggang sa may nag text kay Dev.

"Sabi ni Marianne, problemado daw siya. Hindi niya daw alam kung kaninong kasal siya dadalo." –Dev

"Malamang, dapat doon siya sa kasal ng pinsan niya." –Ako

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon