Thirty Nine.5: Courting the Queen of Blackmails

50 1 0
                                    

 Courting the Queen of Blackmails  

(Eithan's POV)

"Ngayon at tapos na si Devon, pwedeng ako naman? Ang hirap kayang ligawan si Lexie!" –Ako.

Madaya eh, tinulungan na nila si Dev, ako hindi pa! Asan hustisya?!

"Goodluck... yun lang advice ko sayo" –August

"Sige na Gus! Ikaw ang may kilala sa kanya! Please help me out" –Ako na nagkandaluhod luhod na sa harap niya

"Yun na nga eh... Kilala ko siya. At sa pagkakakilala ko sa kanya, siya ang reyna ng blackmails. Sabihin nga nating matutulungan kita, pero baka malintikan ako sa kanya eh" –Gus

"Let's give it a shot. Willing talaga ako!" –Ako

"Tinamaan ka na talaga kay 1st honor ano?" –Sky

"1st honor siya?" Tanong ko

"Oo, damn! Nag aral ka ba sa Deck high?!" –Aaron

"Oo naman, busy lang kasi akong nag prapractice sa music room pag announcement ng honors" –Ako

Napaface palm yung tatlo at hindi ko alam kung bakit.

"Una sa lahat, wag ka nang mag pick up lines."-Aaron

"It's either pipilosopohin ka niya o babarahin ka niya o gagawin niyang pamblackmail sayo yun"-Gus

"Isa pa tol, ang corny nung pickup lines mo kaya itigil mo na talaga." –Sky

"Eh ano bang gagawin ko?" Tanong ko sa kanila. "Kailangan ko din bang maging Gangster Edward Cullen... Swag?" Tanong ko sabay swag pose

"Nah, kay Devon lang bagay yun. Wag kang piling brad." –Aaron

"Eh anong gusto niyong gawin ko?"

-------

"P*tang*na niyo. =__________=" Ika ko sa kanila. Pagsuotin ba naman ako ng barong dito?! Nagmumukha akong tanga dito eh!

"No brad... dapat kulay black. Para di naman siya mag mukhang patay" –Sky.

"Bumalik ka sa loob ng dressing room, palitan mo yang barong mo"-Gus

"Pwede ding mag camisa de chino siya. Para damang dama ang pusong Pilipino!" –Aaron

"Leche ka Aaron, akala ko ba kakampi kita?!" –Ako

"Gusto mo bang ligawan si Lexie? Isuot mo itong mga ito. By the way, thanks sa mga damit tol" Ika ni Gus sa isang lalaki na parang model ng kabaong.

"Okay lang, take your time" –Lalaking nakabarong.

Binigay sa akin ni Aaron yung mga damit na pang magsasaka kasama yung sombrero pa ng magsasaka.

"Okay na yan!" Ika ni Sky

"Tara nang manligaw!" Ika nila.

Buti naman at naisipan pa nilang mag barong para kerri daw ang pagiging Pilipino. Nang makarating kami sa isang mansion, agad kaming pumosisyon sa harap ng pintuan at nagumpisa na akong tumugtog gamit yung dala kong gitara.

Pare ko, meron akong prublema

'Wag mo sabihing "na naman?"

In-lab ako sa isang kolehiyala

Hindi ko maintindihan

Yung mga backup singers ko naman, pinanindigan ang pagiging backup singer kasi sa likod ko talaga pumwesto. Bumukas yung pintuan at doon ko lang nalaman kung bakit sila pumwesto salikod ko. Sinabuyan lang naman kasi ako ng tubig.

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon