Graduation
After the contest, nabilang na ang mga araw naming mga seniors sa school namin. Well, matagal na ngang bilang eh. Kaya ngayon, bilang na lang yung oras namin sa school na ito. Well, ilan na lang nga eh. Siguro mga 2-3 hours na lang. Kasi andito na ako, pinapakinggan yung speech ng valedictorian namin. Skip na din natin yang part na yan. Supper boring kasi.
"Prince August, bubye na po" napayakap naman sa akin yung mga nagkakagusto sa akin ka hinanap pa talaga ako. Siyempre, last ko na itong makakasama ko sila kaya hinayaan ko na silang maki selfie at kung ano ano pa.
"Halaa, mag ingat ka sa college ha?"
"Dapat bumalik ka pa dito"
"Mamimiss ka namin."
"Oo na po. Pupuntahan ko lang yung mga kamag anak ko ha?" -Paalam ko sa mga babae.
Dahil sa maraming regalo ang nasa akin ngayon, ipinahawak ko na lahat kila Manong Gado (le family driver) yung mga regalo sa akin at sinabing ilagay na lang sa kotse. Tapos bigla na lang akong sinuotan ng salbabida ng mga pinsan ko at bigyan ba naman ako ng pearl necklace?!
"Happy Graduation iiinnnsss!!!" Sigaw nitong mga ito
"Grabe lang ha? Anong trip naman ito?" -Ako
"Tanong mo kay tita Niki!" -pinsan 1
"It's tradition kaya wag ka na lang umangal ins" -pinsan 2
"Oo na lang"
"Hey, Gus, may isa ka pa atang regalo" -pinsan 1 sabay turo sa babaeng nakatayo sa di kalayuan
"Ang ganda naman ng regalo mo ins"-Pinsan 2
Kilala ko siya kahit nakatungo siya. Nilapitan ko naman agad ito at ngumiti sa harap niya.
"Miss me already ulan?" Tanong ko
"As if!" Pero hindi naman makatingin sa akin....
"Oh, hindi mo ba ako bibigyan ng nobela o ano?"
"Hindi mo naman ako babae, kaya bakit kita bibigyan ng nobela?"
Humarap ako sa likod at naglakad palayo
"Hey! Saan ka pupunta, hindi pa tayo tapos!" -Ulan
"Maghintay ka magpapaalam lang ako!"
Nagpaalam ako sa tita ko na may pupuntahan lang ako sandali. Buti naman at pumayag siya sa gusto ko. Bumalik ako kay Raine at kinuha yung kamay niya.
"H-hoy, saan tayo pupunta?! Magagalit yung boyfriend ko! Huuy!" Tuloy tuloy yung pag cocomplain niya pero hindi ko na lang pinakinggan. Sorry si Shawn. Ngayon, akin muna siya.
Sumakay kami sa kotse ko at dinala ko siya sa isang private beach namin. Naka coat and tie ako kasi yun nama nang kailangang isuot. Tinanggal ko yung coat ko at ibinigay ko sa kanya since meron naman yung long sleeves ko at vest.
"Bakit moko dinala dito?" Tanong niya
"Well, gusto kitang solohin. Kahit ngayong gabi lang" Sagot ko habang tinatanggal yung necktie ko. Napatingin naman siya sa akin at napangiti.
"Yan yung necktie na binili mo dati diba?" Naalala niya pa yung kwento ng necktie na ito. Nagpapagawa kasi ako ng necktie noon...
~Flashback~
"I don't get the point where I still have to go with you" -Raine
"Wag ka na lang mag complain kasi kailangan ko yung opinion mo" Ika ko naman.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?