The playboy's comeback
(Raine's POV)
Another busy day at the restaurant. Ilang araw na lang, pasukan na, weekends na lang ako makakatambay dito. Pero hanggang ngayon, parang walang balak na pumasok sa trabaho si Kuya August. Marami nang naghahanap sa kanyang mga customers at ako naman, hmp! War kami nun! He left me hanging! Kung kelan ready na akong bitawan ang lahat para sa kanya saka siya susuko? Hmp! Bahala siya!
Let's Marvin Gaye and get it on
You got that healing that I want
Just like that saying in the song,
Until the dawn, let's Marvin Gaye and get it on.
"Halaaa! He's back! Girl! He's back naaa!" Ika ng babae na nasa table three.
"Gm na this! Bumalik na siya!" –Girl from table 5
"Welcome back fafa lead singer." –Babae sa table 6
The playboy is back. And I am not going to look at him. Bahala siya sa buhay niya! Bitter na kung bitter!
We go this king size to our selves
Don't have to share with no one else
Don't keep your secrets to yourself
It's karma sutra show and tell
Yeah
Familiar sa akin itong kantang ito eh. Yeah, it was that one time noong nadatnan ko siya sa music room.
~Flashback~
"I would like to do a duet with you someday." Ika niya nang napansin niyang pinapanuod ko siya mula sa may pintuan ng music room
"At Oo, kanina ko pa alam na andiyan ka. You just can't get enough of me, huh Raine?" Binaling niya yung tingin niya sa piano at tumingin sa akin.
"Asa. Nagkataon lang na napadaan ako dito at nakarinig ako ng magandang tugtog ng piano." Ika ko sa kanya
"Yung piano lang, hindi yung boses ng kumakanta?"
"No. Yung piano lang talaga"
"Well, baka may pagkakataon na gumanda yung boses ko pag sinabayan ng anghel." He really is the king of flirts. Alam na alam niya yung sasabihin niya sa babae para mapakilig ito. Pero malas niya, sanay na ako sa kanya kaya wala nang effect.
"Tama na ang landi, just sing" Direcho kong sabi.
"Hindi ka kinilig?" Tanong niya naman.
"Hindi"
"Kahit konti?"
"Nope"
"Ouch" Napakamot lang siya ng ulo niya at hinarap ulit yung piano. "Effort ko pa namang takasan yung guard para lang dito tapos hindi man lang siya kinilig? Sus maria!" Narinig kong bulong niya.
"Next time kasi, sa fangirl mo yan sabihin. Wag sa akin kasi trabaho ko ding magpakilig kahit hindi ko naman gustong sabihin yun sa taong sinabihan ko." Ika ko sabay sabit ng kamay ko sa balikat niya mula sa likod kasi nakaharap siya sa piano.
"You think I was kidding and now you're questioning my playboy powers? Namumuro ka nang babae ka ha!" Ika niya
"Malapit nang mag time, kakanta ka o kakanta ka?"
"Kakanta po."
Nagsimula na siyang mag play ng piano at sinabayan ko siya sa pagkanta. And surprisingly, ang ganda ng blending ng boses namin. Hindi na mahirap sa akin na sumabay kasi may lyrics siya at chords sa may piano.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?