Torpe fails
(Mga bandang day 5 ng vacation nila sa Ilocos)
(August's POV)
"Bestfriend, gising" Damn. Ayaw kong ginigising ako sa gitna ng beauty sleep ko. Aww... that sounds gay!
"Ano?" Tanong ko sa pigurang hindi ko makilala. Kung bestfriend ang tawag niya sa akin, it's either si Sophie ito o si Devon.
"Gumising ka muna." Nang imulat ko yung mata ko, una kong nakita ang blurry image ng isang taong may maikling buhok. Utang na loob, si Devon ito.
"I'm awake, ano nang problema mo?" Tanong ko habang inayos yung upo ko sa kama.
"Please help me out on something, alam kong tatawanan lang ako ni Lexie pag sa kanya ako nagpatulong eh."
"Eh ano ba yun?"
"Help me confess." Para akong nasamid sa sarili kong laway. Itong torpeng ito? May balak mag confess? Huwaw!
"Seryoso? Walang backoutan?"
"Wala. So please help me! Ikaw ang expert sa mga ganito eh."
"Woah woah! Una sa lahat, hindi ako expert sa mga ganyan, girls confess to me. Pero, I guess I could help you." Iko ko sabay kamot sa batok ko.
"T-talaga?!" Gulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Damn this looks so gay tapos nakabukas pa yung bintana namin. Nakikita kami ng mga tao sa baba "Dude, right now, we look like a gay couple and people outside are looking at us."
Napabitaw naman siya agad sa akin at sinabing paguusapan na lang daw namin yun sa baba mamaya. Naligo na lang ako at bumaba pagkatapos. Naabutan ko yung mga kaibigan kong kumakain na ng umagahan. Nagtimpla ako ng kape at umupo sa tabi ni Sophie.
"You look like someone woke you up early" Ika ni Sophie sa akin
"Oo, may gumising nga sa akin... isang napakaingay na tor- este tandang lang naman." Sagot ko sa kanya habang nakangiti.
"Oh, Gus bilisan mong kumain diyan! May nakita akong basketball match doon sa kabilang kanto. Tara makipustahan" Ika sa akin ni Dev. Mukhang yun yung pagpaplano namin
"Uyy! Pwedeng makinood? Ichicheer kita Dev!" –Marianne
"Yeah, can I watch you play?" –Sophie.
"A-ah, hindi eh. Ayaw ng kalaban namin sa audience."-Dev
"Yep, they might chicken out on us. We don't want that" –ako
"So, dito lang tayong tatlo. Lutuan natin sila ng lunch" –Lexie. Nakaramdam siguro na may kelangan kaming gawin ni Dev.
"Owh... Sige. Game ako diyan!" –Sophie
"Paturo naman ng ibang international dish Soph!" –Marianne
"Sure" Ngiting ngiti na sabi ni Sophie.
Matapos ang kainan, kami ni Sophie ang inatasang maghugas ng pinggan yung tatlo nasa salas at yung pinsan naman ni Soph, pumasok na sa office niya.
"There's something up. Do you mind explaining?" Tanong sa akin ni Sophie habang sinasabunan yung mga pinggan.
"Well, hindi talaga kami pupunta sa basketball match. Ginising ako ni Dev ng maaga para magpaturong mag confess sa isang babae. And, well, I have no idea how that whole confessing works kaya. I reresearh na lang namin."
"Well, if he wants to know how to confess, then I could teach him"
"Di na bale, mag enjoy na lang kayong magluto ng kung ano dito. This is boy's stuff. Kaya ko ito"
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
Storie d'amoreWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?