Thirty Six: Little Things

44 0 0
                                    

Little Things

(August's POV)

Another Sunday. Walang pasok sa bistro. Si Sophie, pumunta daw sa lolo niya kaya eto na naman kami ni Raine sa loob ng condo namin. Wala eh, pinapaalis na naman siya ng nanay niya sa bahay nila.

Your hand fits in mine, like it's made just for me

But bear this in mind, It was meant to be

And I'm joining up the dots, with the freckles on your cheeks

And it all makes sense to me

Nagvolunteer si Raine na magluto ng tanghalian namin, kaya eto ako ngayon na nagjajamming mag isa sa sofa ng sala. Napaisip tuloy ako... para kaming magka live in na dalawa. Isa pa, hindi alam ni Sophie na ganito kami tuwing weekends. Pero wala naman kaming ginagawang masama diba?!

I know you've never loved, the crinkles by your eyes

When you smile, you've never loved

Your stomach or your thighs

The dimples in your back, at the bottom of your spine

But I'll love them endlessly

Hindi ako yung kumanta niyan. Si Raine na tumabi sa akin ang kumanta niyan. Ever since I learned about her wonderful voice, pinush ko na siyang kumanta. Hindi man siya kasing galing ni Sophie pero her voice still sounded perfect.

I won't let these little things, slip out of my mouth

But if I do, It's you

Oh it's you, they add up to

I'm in love with you,

And all these little things

Kung meron man silang tatawaging perfect harmony, itong ito na yun. Alam kong sinabi ko sa sarili kong kakalimutan ko siya, at gagawin ko ang lahat para maihiwalay sa kanya pero... Damn. I just can't.

~Flashback~

Parang kulang yung 1 week na vacation namin nila Sophie. Kaya heto ako ngayon sa kwarto ko, nakatitig sa aking kisame habang nakahiga sa kama kong namis ko ng sobra pero parang may mali pa din.

"Agosto naman hindi na nagtira eh!"

Yan lang naman yung naririnig ko dito... puro Agosto. Pero tuwing lilingon ako, wala. Walang babaeng makulit na kinukulit ako.

"Puntahan mo na kasi... namimis mo na siya diba?" Narinig kong bulong ng isang boses na kapareho ng boses ko.

"Hindi nga pwede. May girlfriend na ako. May girlfriend na tayo." Bulong ko

"Anong uunahin mo? Yang hinayupan mong pride o yung urge na makita yung taong mahal mo?"

"Kung hindi ko pinili yung pride ko. Anong ititira ko para sa sarili ko. Nag deny na ako't lahat lahat para lang makawala sa spell niya pero anong sinasabi mo... pinagpipili mo ako kung pride ko ba o si Raine"

"eh ano bang mas importante? Alam ko namang iniisip mo. yung fact na paano pag hindi mo na siya makikita... kakayanin mo kaya?"

"Iniisip ko yun ngayon. Pag hindi ako pumunta doon, ibig sabihin, suko na talaga ako sa kanya."

"Yung mga chances na binigay ko... yung mga efforts ko... yung Raine ko. Itatapon ko na lang para makuha ulit yung natitirang pride na meron ako."

"Yung pride na pinanghahawakan ko kahit alam kong kahit anong gawin ko, wala at wala pa din itong halaga kumpara sa halaga ng mga bagay na itatapon ko para dito."

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon