The real August Spade
Pagkatapos ng mga linis linis, sariling sakay na sila sa mga kotse nila. At dahil sa akin hinabilin si Raine ako ang maghahatid sa kanya pauwi. Pero ngayon, may iba akong plano.
"Raine, may dadaanan lang tayo sandali ha?" Ika ko nang makasakay na siya sa passenger seat.
"Sige."
(Raine's POV)
Hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa decision ni mama kasi halos ayaw na niya kaming paghiwalayin ni Kuya August. Pero okay na din ito kasi konting araw na lang, hindi ko na ulit siya makakasama. Sabi niya, sa malayong school na daw siya mag aaral kaya sinasagad na niya yung oras para makasama ako.
Tumigil kami sa parking lot ng isang department store, bakit naman sa lahat ng oras na pwedeng mag shopping, sa ganitong dis oras pa ng gabi? Kung ano anong pagkain ang nilagay niya sa cart niya tapos naglagay pa siya ng mga gamit pang luto at mga plato't pinggan
"Bakit parang andami mo atang groceries ngayon?" Tanong ko
"Kelangan kong mag restock eh. Oh, nga pala, pakisabi kay mama mo na yung niluto ko dati, adobo lang yun" Oh, right. Naalala ko yung time nay un. Nung isang araw bago birthday ko, nag uwi si mama ng kaserola sa bahay tapos pinapak yung laman nun. Sabi niya niluto daw ni Agosto tapos ayaw pang mag share.
"Geh."
"Oh, speaking of Mama mo." Kinuha niya yung cellphone niya at tumawag sandali. "Oh, hi Tita... opo...nasa department store po... opo... opo tita, promise... yeah, we love you too... goodnight tita."
"Ano namang pinagusapan niyo ni Mama?" Tanong ko
"Some things." Why do I have a feeling na magkasabwat na naman si Mama at si Agosto?
~Flashback~
"Ma, Ito nga pala si Kuya Shawn" Ika ko kay mama habang pinapakilala si Kuya Shawn. 1 month pa lang kami noon. Tapos nasa kusina si Mama kasama si Agosto, ewan ko ba kung ano yung niluluto nila noon pero nandoon sila nagluluto.
"Oh, hi buddy" Ika ni Agosto kay Shawn
"Hi din buddy" Ika naman sa kanya ni Kuya Shawn.
"Oh. Hello." –Mama
"Babe, this is my mom" Ika ko naman introducing him to my mom.
"Babe?" Paguulit ni mama wari'y nagtatanong. "Ohh... the boyfriend. I see" Ika niya nang ma gets niya.
"Ma, doon muna kami sa living room ha?"
"Sige." Pero nung makaalis na kami, narinig ko pang bulong ni Mama kay August "Mas boto ako sayo." Napailing na lang ako at hinayaan kong magsama ang mag ina 'kuno' sa kusina
~Flashback ends here~
All in all, sinasabi ko lang na sobrang boto si Mama para sa amin ni Agosto. Tapos yung mga magulang naman ni Agosto, sobrang boto naman sa akin at hindi ko alam kung bakit.
Maya maya, narating namin ang isang parking lot ng isang condo unit. Oh my gosh! Wag mong sabihin na may balak siyang... waaaahhhh!!! Hindi, hindi pwede! Hindi pa pala pwede!
"Oy, Ulan, okay ka lang diyan? Bakit ang pula mo?" –Agosto
"W-wala." Hinawakan niya yung noo ko para pakiramdaman yung temperature ko
"Wala nga. Halika na. Aayusin ko pa yung mga pinabili natin" Sabay kaming lumabas ng kotse at pumasok sa loob. Sunod sunod ang mga pagbati sa kanya ng mga tauhan doon hanggang sa makapasok kami sa elevator.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomansaWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?