Thirty Seven: Advice from a Bartender

63 0 0
                                    

Advice from a Bartender

Pagkatapos nung inncidente kagabi, umuwi na din ako kinaumagahan. Don't worry, walang nangyari sa amin ni Raine. I wouldn't dream of doing such. Mejo awkward pa din yung atmosphere namin sa Tsubasa. Pero di nagtagal, bumalik na din ang lahat sa dati. Raine has a boyfriend and I have to move on.

Time: 8:00 pm. Andito lang ako sa garden namin nakahiga sa damuhan at nakatingin sa mga bitwin ng langit. Anong iniisip ko? Nothing serious, yung kung ano lang naman ang pinaggagawa ko sa buhay ko. May girlfriend ako, pero iba yung may hawak ng puso ko. Ang sama ko namang tao.

"I am stupid..." Bulong ko kasabay ng isang buntong hininga.

Bumangon ako sa pagkahiga ko at dumirecho sa bar ni Ate Dianna. Hindi para mag perform o ano, I just wanted a drink. Kailangan kong malasing para makatulog.

"Ohh... out mo na ahh, bakit meron ka dito?" -Ate Dianna

"Gusto kong matulog ate. Gustong gusto ko nang matulog" Ika ko

"Sabi ko na nga ba eh, may problema ka na naman. Tell me."

"Kelangan ko munang malasing. Makikitulog na lang muna ako dito pag nalasing ako ng sobra ha? Don't molest me" Tumawa lang siya at binigyan ako ng isang bote ng alak.

"I won't so take your time para malasing" Nakangiti niyang saad.

~5 shots later~

"Now tell me what's your problem" Parang umiikot na yung paningin ko, and yeah... I think I'm drunk enough.

"Ganito kasi yuun! *hik* May girlfriend ako... pero... may hinalikan akong isa pang babae. *hik*"

"Eh sanay ka naman na sa mga ganyan diba?"

"Hindiii ehhh! Mahal ko yung girlfriend koo... kashii.... Bespren ko yon... Sabi niyaa, okaaay lang daw... na maging kamii para maka movee on akooo..."

"Oh pala! Eh bakit ka nagiguilty?"

"Eh kasiii.... Ayaaaw ko diiing saktaan yung bespren ko... siyaaa na ngaa young tumutuloong saken... siyaa pa yung pagtataksilaaan ko. Ayaaw ko yuuun!"

"Mahal mo ba yung bestfriend mo?"

"Mahal na mahal... pero sa hindi sa pagmamahal na deserve niya... And the thought of that, makes me want to kill myself. I don't want to lose her too..."

-------

(Switching to Dianna's POV)

"Mahal na mahal... pero hindi sa pagmamahal na deserve niya... And the thought of that, makes me want to kill myself. I don't want to lose her too..." Nakatingin lang siya sa baso niya pero kitang kita ko ang pagkadepress niya

"Paano naman yung babaeng hinalikan mo? Mahal mo ba? O di kaya may nararamdaman ka ba para sa kanya?" Tanong ko.

"Si Ulaan?! *smirk*" Yung mata niyang parang nanghahamon ng away, biglang naging maamo. Tinignan niya ako ng direcho sa mata "Oo... Mahal ko siya" Simpleng sagot niya pero parang ang sakit para sa kanyang sabihin ito.

Ang gulo naman neto!

"Yan ang mahirap sayo eh. Alam kong wala ka pa sa tamang pag iisip, pero ang tanging payo ko lang sayo, umpisahan mo nang mamili. Kasi kahit sabihin nating, mahal mo silang pareho, meron at merong mas hihigit na isa. Kung ayaw mong masaktan ang isa sa kanila, piliin mo ang mas humihigit."

"Paano kung yung mas humihigit, siya pa yung hindi pwede?" Tanong niya sabay shot

"Nasayo kung gagawan mo ng paraan, o hahayaan mo na lang. Kasi sa tingin ko, pag tinuloy mo pa, ikaw lang ang masasaktan eh."

"Paano kaya kung doon na lang ako sa bestfriend ko?"

"Kung doon ka naman sa kanya didirecho, okay lang din... matututunan mo siyang mahalin."

"Paano kung hindi ako marunong magmahal?"

"Lasing ka na! Korni ka na eh" Tumawa lang siya sa comment ko at uminom ulit

"Alam mo kung ano yung weird?" Tanong niya

"Ano?"

"Yung naka dalawang bote ng alak na ako pero hanggang ngayon, hindi ko pa nararamdaman yung kalasingan ko. Walang talab yung binigay mo sa akin"

"Luh?! Akala ko ba nahihilo ka na kanina?" Tinignan ko yung bote ng alak na binigay ko. Owww....

"Ito pala yung bote na pinaglagyan ko ng juice na ginawa ko kaninang umaga heheheXD"-Ika ko sabay kamot sa batok

"Lechugas ka! Nag open ako sayo ng hindi ako lasing?! Sinubukan ko pa namang mag boses lasing para lang malasing ako pero hindi pala ako lasing?!"

"Kalma! At least hindi ka na uuwi ng lasing hehehehe"

"Ewan ko sayo!"

"Bigyan mo na lang ako ng isang bote ng beer" Umalis ako at binigyan siya ng isang bote ng beer.

"Kung hindi ka lasing, I'm sure na na pick up mo na yung mga payo ko?" Tanong ko sa kanya

"Oo... Pero baka mas lalo akong hindi makatulog sa sinabi mo. Masyado akong nakokonsensya."

"Kung nakokonsensya ka na... wag ka na lang munang pumasok sa isang seryosong relasyon. Hayaan mo muna yang puso mo na gawin ang kahit na anong gusto niyang gawin, at bumalik ka na lang kung handa ka na talaga. Hindi yung ganitong nagkakagulo gulo yung mga thoughts sa utak mo. Diba?" Tanong niya

Kung sabagay, may punto siya doon. Baka hindi lang ako ready sa mga ganitong bagay. They both deserve better. Maybe I'm just immature.

"Siguro tama ka. Malayo naman yung lugar na pag aaralan ko. Babalik naman si Sophie sa Paris pagkatapos ng bakasyon niya, tapos ako... well, ako... itutuloy ko pa din yung trabaho ko sa Tsubasa, pero hindi ko muna lalandiin si ulan."

"Siguro mas makakabuti pa nga kung ganoon nang hindi ka nag eemote emote dito tuwing gabi! Baka wreslingin ako ni Ate Joanna pag nalaman niyang customer na pala kita dito."

"Ako nang bahala sa kanya!"

"Whe? Kaya mo?" Tanong ko

"Hindi. Haahahahahahaha" Nagtawanan na lang kami buong gabi hanggang sa bigla siyang bumagsak.

"H-hoy! Isang bote ng beer lang yan lasing ka na?!" Pinuntahan ko siya at nakita kong namumutla siya. Anemic amputs. Dinala ko siya sa kwarto sa taas at hinayaang matulog. Tinignan ko lang siya sandali nang biglang nagvibrate yung cellphone ko.

Ate Joanna Calling ...

"Op?"-ako

"Andyan si August?"-siya

"Oo, nasa taas, inatake ng anemia"-ako

"Pati siya knock out din?!"-siya

"Bakit kasi?"-ako

"Si Raine, sumugod din dito, tapos nag open sa akin. Napag alaman ko na lang na may lagnat siya nang bumagsak siya pagkatapos kong painumin ng alak 'kuno'. Ikaw, wag mong sabihing pinainom mo si August ng alak" -siya

"Hindi. Juice yung pinainom ko sa kanya tapos isang bote ng beer." -ako

"Good. Alagaan mo yan ha? May pasok pa yan bukas"- siya

"Oo na! Sige, una na ako, magsasara pa kami"-ako

"sige," - siya

Matapos kong ibaba yung tawag at isarado yung shop, umakyat na din ako sa kwarto ko sa taas ng bar. Pero bago ako matulog, tinignan ko muna si August sa bakanteng kwarto at tinignan ulit ng mataimtim. Parang ngayon na lang ulit ito nakatikim ng isang mahimbing na tulog. Ang lalim ng eyebags niya at inatake ng anemia eh. Sana maayos niya nga yung buhay niya.

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon