His Efforts
Maraming araw na ang nagdaan simula nang maganap ang Variety showings. Ang good news diyan ay wala na akong makikitang nakakatakot na Dance Instructor na bakla at ang masama diyan ay ang fact na back to hell life na naman ako. Well, not totally hell, pero, you know what I mean. At ang masahol pa diyan, wala na akong kukuliting Raine
'Makikita mo pa naman ako sa school' –Raine via Text Message
'Makikita, hindi makakausap'
'Okay lang yan, ganyan naman tayo dati diba?'
'Yeah, dati. Nung hindi mo pa ginugulo yung buhay ko'
'I thought you liked the mess'
'Oo nga, so sobrang na enjoy ko halos diko na maipaayos kasi napamahal na ako sa gulong iniwan mo'
'Napamahal?'
'Oo, attached ba ganoon'
'Aaah... Okay. Alam mo ba yung feeling na, ginawa mo na nga ang lahat para mapansin niya pero hanggang ngayon hindi ka pa din niya pinapansin?'
'Ha? Sino naman?'
'Si baby ko'
'Sabi ko nga.'
'What should I do now? :/'
'Una sa lahat, kung ayaw ka niyang pansinin. Eh di maghanap ka na ng iba. Sinasayang mo lang yung effort mo sa kanya. Hindi pa naman kayo'
'Eh sa siya nga yung gusto ko.' Kung ikaw ba naman ang nasa pwesto ko ngayon, halos ibato ko na yung cellphone ko. Sino ba yung Mr. Baby ko na yun?! Upakan ko yun eh! Nanliligaw din kaya ako!
'Aaahh... Geh. You're welcome na lang sa advice ha?'
'Pagpasensyahan mo na akoXD Hopeless Romantic eh'
'Hindi lang yan... martyr pa'
'Yiee... Ang sabihin mo lang, Selos ka:P'
'Bahala ka sa buhay mo. Matutulog na ako. Goodnight'
Hindi ko na binasa yung reply niya at dumirecho na lang ako sa tulog ko. Yun yung gusto kong mangyari actually kaso ang kinalabasan, binasa ko pa din yung reply niyang 'Geh, goodnight na din Agosto' Tapos hindi na ako makatulog.
Ano bang problema ko sa buhay?! Okay lang naman sigurong magpuyat diba?! Sabado naman bukas. Inopen ko yung TV at nanood ng Oggy and the Cockroaches. I really can't sleep. Ano ba yan!
'Agosto' Hindi din siguro makatulog itong isang ito
'Oh?'
'Ang sama ng pakiramdam ko. Feel ko lalagnatin ako' Ha?!
'Ano na namang ginawa mo?'
'Siguro nung nagpaulan ako, isama mo pa yung bad trip ko'
'Nagpaulan?! Ikaw?Baliw ka ba?!'
'Mainit kasi kahapon ehh... tapos katatpos ng shift ko sa resto. Kaya ayun nag paulan kami ni Ate Marianne'
'Uminom ka ng gamot' Napahilot ako ng noo sa sinabi ni Raine. Ay Juice Colored! Ang sakit nila sa ulo.
'Sige na boss, una na akong matulog ha? Para makapag pahinga na ako' –Raine
'Kung makapag pahinga ka naman diyan akala mo mamamatay ka na'
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?