Nine: My First Parent Meet

104 2 0
                                    

My First Parent Meet


(Lexie's POV)

"May plano kang gawin?" Tanong namin ni Devon. At since absent si Marianne, wala kaming katulong na iblackmail itong isang ito.

"Wala" Sagot niya sabay subsob sa desk niya at napuna na siya sa kanyang Natutulog-Ako-Mga-Walang-Yah-Kayo mode.

Wala daw... Dumirecho kaming dalawa ni Devon sa may bread and pastry lab kung saan nandoon si Gus na gumagawa ng mixture.

"Kahit wag na kayong mag salita bumili na lang kayo ng Mogu Mogu sa canteen" –Gus na busy sa paglalagay ng batter sa isang muffin pan... o kung ano man ang tawag doon.

Yun na nga yung ginawa namin ni Dev, pero nang makapunta kami doon, ang daming tao!

"Ano, jack en poy na lang tayo kung sino yung makikipag singitan." –Dev

"Geh!"

Nag jack en poy kami ni Dev at sa kabutihang palad, ako ang nanalo kaya si Dev ang susulong para makipag singitan.

"Si Papa Devoooonnn!!!" Sigaw ng mga babae saka sila nagsipag tilihan. Hahahaha!! XDXDDD nice shot Dev!

Paglabas ni Devon sa singitan, parang bagong rape yung buhok niya at sobrang gulo ng uniform niya.

"Gus owes me big time-_-" Naiinis niyang sabi habang hawak hawak yung Mogu Mogu na lychee flavor. "Pero seriously speaking though, parang seryoso siya sa ginagawa niya. Pati tuloy ikaw na kinatatakutan niya nautusan niya."

"Kung sabagay, ano namang connect ng Mogu Mogu?"

"Favorite yan ni *sniff* Raine" Sabay kaming lumingon sa likod namin. At doon, nakita namin ang isang zombie na Marianne Alvarez.

"Akala ko ba may lagnat ka?! Diba nagpapahinga ka dapat?" –Devon

"May quiz tayo sa English *sniff* ngayong umaga. Pag nag absent ako, bibigyan ako ng special quiz. At pag may special quiz ako, wala *sniff* akong pagkokopyahan" –Marianne

"Paano kung nakahawa ka sa classroom?" –Lexie

"Problema na nila yun" –Marianne

Nang makarating kami sa harap ng bread and pastry room, nakita ko nang nag lalagay ng toppings si August. Sinilip namin ni Dev kung ano yung design ng cupcakes niya (nasa labas kasi si Marianne, delikado na ehhXD) At makikita mo ang supper effort sa paggawa niya ng cupcakes. Ikaw ba naman kasi gumawa ng cookie monster cupcakes?

"Finished" –August na nakangiti sa ginawa niyang cupcakes.

"Wala daw..." Bulong namin ni Dev

"Heh! Manahimik nga kayo diyan kung ayaw niyong maupakan"

"Diba dapat, gamot o kung ano pa yung ibibigay mo pag may sakit yung tao? Bakit cupcakes at Mogu Mogu naman yung naisipan mo?" –Dev

Kinuha ni Gus yung Mogu Mogu at nilagay sa box yung cupcakes na ginawa niya saka inilagay sa ref at kukunin na lang pagkatapos ng last period namin.

"E-Eh yun yung naisip ko eh" Ika ni August habang tinatanggal yung apron niya

"Kunwari ka pa. Akala mo hindi ko alam ha" –Marianne na nasa may doorway

"A-ano bang pinagsasasabi mo?" –August na tinalikuran kami at nagpunta sa may lababo para hugasan ang mga ginamit na utensils

"Don't mess with *sniff* me Mr. Spade. Baka *sniff* pinsan ko ang pinaguusapan dito"

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon