(Raine's POV)
Birthday ko diba? dapat sweswetehin ako, pero bakit ganoon? Birthday ko tapos, mamalasin ako? Nagumpisa sa uniform ko. Biglang nawawala yung favorite necktie ko yung bigay ni Agosto. Yan tuloy, pilitan akong magsuot ng kung anong necktie na lang na violet.
Don't get me wrong, Masaya ako sa surpresa sa akin ni Kuya Shawn. Sobrang napasaya niya ako. Pero yung thought na iniwan na ako ni Agosto para sa necktie?. Ang sakit sakit pa din.
"Bakit parang spaced out ka? Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Kuya Shawn na kasalukuyang kasama ko habang kumakain ng Ice cream sa Ice cream parlor.
"Okay lang ako. Thank you ulit sa birthday gifts ha?"
"Ano ka ba. Anythhing for my princess" Ika niya sabay hawak sa kamay ko "Alam mo ba, hindi ko yun magagawa if not for the information August gave me"
Ano daw? Information? Anong klaseng information?
"Ano namang information yun?"
"Well, tungkol lang naman sa likes and dislikes mo. Kung hindi siguro ako nagtanong, I might've given you things you didn't want or taken you to places you don't want to go to. Salamat na lang kasi ang dami niyang alam tungkol sayo"
Damn, naalala ko na naman siya. Bakit ba kasi may iwan iwan pa siyang nalalaman! Tsss... Tapos tutulungan niya yung sarili niyang karibal? Ang laki na talaga ng kasalanan ko sa lipunan. Ginawa kong martyr ang isang August Michael Spade.
Teka... bakit ba siya yung iniisip ko? Kaharap ko kaya yung boyfriend ko.
"Kahit ano naman, basta galing sayo. Okay na ako" Ika ko sa kanya
"You know what I'm afraid of right now?"
"Ano?"
"Yung ispin ang fact na baka mas malamang na siya sa akin."
"Bakit mo naman iispin yan? Ikaw ang boyfriend ko at ikaw ang mahal ko. You got that?"
"Ang hirap lang kasing hindi isipin eh. August is perfect. He is the heir to one of the most influential families here in the Philippines, He's rich and famous, and he can romance any girl he wishes."
"Yes I know, and he's like a brother to me. No more no less." Gusto ko lang I assure sa kanyang yun lang ang relationship na meron kami ni Agosto. Pero noon yoon, ngayon. Wala na ulit. At least hanggang sa wala pa yung necktie.
"Siguraduhin mo lang ha? Hindi ko alam yung gagawin ko kung nawala ka sa akin" Ika niya habang nakangiti.
I can't believe that he's mine now teka...kanta yun diba? Pero seriously, ang hirap lang paniwalaan na itong pinapangarap ko lang dati, boyfriend ko na ngayon. Hindi ko maipagkakaila na gwapo siya pinagkakaguluhan din siya tulad nila Kuya August at Kuya Devon siguro kasi may lahing amerikano siya tapos high ranking cadet pa ng CAT. Saan ka pa? Ang swerte ko lang talaga sa kanya.
"Let's go. I still have 30 minutes" Ika niya habang nakangiti.
"Saan tayo pupunta?" Ngumuso siya sa direction kung nasaan meron yung mga turo turo.
"Kumakain ka nun?"
"Nope. My stomach is a huge asshole for not appreciating pinoy food. Pero ililibre kita." Nakangisi niyang sagot.
Tumayo kaming pareho at nagpunta sa mga turo turo area. Siya na talaga! Siya na! I guess sweswertehin din lang pala ako sa araw na ito.
———-
Nang makauwi naman ako sa bahay, wala si Mama kasi walang maingay eh. Actually parang wala talagang tao sa bahay. Kaya pumunta na lang ako sa closet ko para magpalit ng uniform para sa- Deym! Bakit wala akong uniform? Wala din akong decenteng casual clothes! Natira na lang eh yung mga dress na bigay ni mama. Akala ko pa naman swerte na ako -_______________-
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?