(Raine's POV)
Another day, practice na naman namin. The good thing here is, wala akong klase. Excused pa ako sa mga subjects ko. Yun lang, ang kapalit, maraming maraming maraming body pain. Well, innanounce kahapon, imeemeet namin ngayon ang production staff. Sila yung taga sugod daw sa dressing room namin kung malapit na yung part namin sa mismong program at taga kalma sa amin kung kinakabahan na kami. Isa lang ang masasabi ko. Sana may pogi!
"Okay gather round, eto na ang inyong production staff" Ika ni ma'am habang nakaupo yung staff sa may hagdan ng stage. Bakit andoon siya!?
"Ito si Kuya August niyo." Kumaway siya at ngumiti. Ay ang gwapong nilalang neto! Ito namang mga kasama kong mga babae at mejo feeling babae, nagsisi tilian na.
"Oh, ito naman si Kuya Devon" Isa din ito! Gwapong nilalang din! Kaso mas masiyahin ang mukha nito kaysa kay Kuya Empanada.
Maraming pinakilala si Ma'am sa amin, kaya all in all, sampu silang lahat. Kasali pati si Ate Marianne na hindi naman ganito pag may mga program. Ano kayang nakain neto at naisipang mag prod. staff?
"Okay, sino sa right side dressing room?" Sa amin yun. Nakita ko namang bahagyang nagtaas ng kamay si kuya Empanada.
"Ako na po" What?! Seriously. Lilipat nga ako ng dressing room!
"Ang swerte mo naman Raine! Doon si Kuya August sa inyo" Ika sa akin ng katabi ko.
"Pakuha na lang ng number niya sayo ha?" Ika din ng isa pa.
"Ahh... ehh, hindi kami close ehh. Tapos bawal silang kausapin diba?"
"Kaya mo yan gurl!" Ang kulit talaga nitong mga ito.
—
First run ng practice. Nakasandal si Kuya Empanada sa may wall ng backstage nakikita ko siyang nag yayawn kaya pati ako napapayawn na din. Bored na ito sigurado. Makikita kong may lalapit sa kanyang babae tapos kakausapin siya ngingiti siya then he starts flirting with them. Galaw na galaw talaga ng isang player.
"Huy! Anong tinitignan mo diyaan!" Ika ni Ate Heather
"He's such a flirt" Ika ko
"Hay nako, sanay na ako diyan."
"Tignan mo naman kasi Ate Heather ohh, tiba tiba yung mga babaeng nagsusulat ng mga number sa kamay niya. Halos mag mukhang tattoo na nga ohh"
"Ang init naman ata ng ulo mo kay Gus. I told you, mabait yan. Playboy lang. Remember, inagawan mo siya ng Empanada kaya wag kang ganyan"
"Pinaalala mo na naman"
"Hahaha... Sige na nga, wag kang mag alala, ilalakad kita mamaya sa kanya!" Ika niya sabay pat sa shoulder ko.
"H-ha?! Ate heather naman eeh!" Hindi ko na napigilan si Ate Heather kasi kinausap na niya si Kuya empanada
"Hi rep! Dancer ka na pala!" Ika niya sabay bro fist kay Kuya empanada
"Never was and never will Heather" Nakangising sabi ni Kuya empanada. English spokening ang isang ito.
"eh, how did you get here then? Are you naliligaw na rep?" More like nanliligaw
"Nope. This is what you call an escape plan gone wrong. Plano ko na kasing tumakas eh, kaso naalala ko nasa akin pala yung mga program, tapos ibibigay ko kay Ma'am. Alam mo naman ako." Napakibit balikat na lang siya
"Oo naman. Alam na alam kita. Hindi nakakahindi sa-"Hindi na naituloy ni ate Heather yung sasabihin niya nung takpan ni Kuya yung bibig niya
"Secret lang natin yun remember?"
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?