That Girl
"For you to have a successful business establishment, you must be innovative." Hmm, innovative, parang narinig ko na yan somewhere sa aking bahay. Innovative... diba yung yung chichirya na masarap? Yung InNOVAtive?
"Mr. Spade, do you mind giving me the definition of innovative?" Itong teacher na ito, lagi na lang akong tinatawag pag lutang ako! Oh well, ako namang malalagot sa mga magulang ko pag hindi ko sinagot yung tanong niya
"Ma'am, being innovative means introducing or using new ideas or methods." Sagot ko bago ako umupo at itinuloy yung pagdrawdrawing ko. Innovative, introducing new ideas or methods; hindi lang yan nagagamit sa business, ginagamit din yan sa panliligaw. Dapat hindi maulit yung idea mo kundi, manlalamig sayo yung babae. Pwede ding sa kama, kung hindi ka magiging exciting, mawawalan ng gana yung ikakama mo... diba?
Bago ko makalimutan, ako nga pala si Michael August Spade or widely known as August Spade. Alam ko yung iniisip niyo. Pero, sensyahan tayo, mali kayo. Hindi ako pinanganak ng August, September nga ako pinanganak eh. Sabi sa akin ng papa ko, nung ipinanganak daw ako, akala ni Mama, August pa lang... at ito ding tatay kong mejo ewan. Akala din, August pa lang. Pero nung makita na nila sa Birth Certificate ko, yun na nga, September na. Kaso, hindi na nila napapalitan yung pangalan ko.
*saaapak*
"Aray! Ano na naman bang problema mo?!" Sigaw ko sa taong bumatok bigla sa akin
"Eh sa tayo nga yung pinapatawag na mag dedebate sa harap!" Sigaw din niya sa akin pabalik. Eto, mga kaibigan ay isang halimbawa na nag eexist nga ang mga aswang. Siya yung kaibigan kong si Lexie. Paano ko siya naging kaibigan? Hindi ko din alam.
"Kelangan bang batukan?!"
"Ang arte arte mo! Kung ayaw mo ng recitation, bahala ka basta ako +10"
Wala na din lang akong choice. Naglakad ako papuntang platform kung saan ganito ang position namin.
Ma'am TLE
Lexie--Table-- Ako
Si Ma'am TLE ang pointer. Kung sino ang mananalo sa aming dalawa, +20 sa binigay na +10. At ito ang aming topic.
The customer is always right.
Positive: Yes, the customer is always right
Negative: No, the customer isn't always right.
If a broken product is to be given back to the businessman, who is to take the fault? The business man or the consumer?
"Negative and side of the businessman, Lexie. Positive and side of the customer, August. Positive ang first statement. Language shall be determined by the first debater"
"Mga ginoo at mga binibini ng hukom. Kung ang sirang bagay ay binalik ng isang mambibili, ang nagtitinda ang dapat may kasalanan, kasi bakit niya pa ititinda kung sira din lang hindi ba? At dapat, kung magtitinda sila, siguraduhin naman nilang yung matibay ang kanilang ibebenta kasi kung hindi, sila din lang ang aako ng kasalanan.Hindi naman siguro nila gustong makulong hindi ba?" Kailangan kong tagalugin ito. Alam kong pipilosopohin ako ni Lexie pag English eh.
"Oo, hindi nga namin gustong makulong kaibigan. Pero makakasiguro ba yung nagtitinda na depekto lang sa produkto yung rason kung bakit hindi gumagana yung isang bagay na binili nila. Hindi namin alam, baka kayo, mga mambibili din lang ang rason kung bakit nasisira ang mga gamit. Kung nasira ito, hihingi kayo ng "refund". Ibabalik niyo ang nasirang bagay, at kukunin niyo ang pera. Kaya hindi naman madalas, kami ang may kasalanan"
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomansaWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?