Messing up your life
(August's POV)
Nakatapos kami ng dalawang show. At oras na para umuwi. Natandaan kong nakipagpustahan pala ako kay Devon na ngayon ko kukunin yung number ni Raine. Pinaghintay ko yung tropa sa loob ng campus nang habulin ko si Raine na parang sinusundo na ng isang putting kotse.
"Raine!!" Sigaw ko na pati yung mga dumadaan at naglalakad napatingin sa akin sa sobrang lakas ng pagkasigaw ko.
"Kuya August?" Gulat niyang tanong nang makatigil na ako sa harap niya habang naghahabol ng hininga. "Kuya, sandali lang po ha?" Ika niya sa driver nila ata.
"Y-Yeah *hinga* Whoah! *hinga* hihikain ako nito ahh *hinga* *hinga*"
"Eh bakit mo kasi ako hinabol? Injured ka pa man din"
"Okay lang yan, hindi naman yung kamay ko yung ginagamit kong tumakbo" Kinuha ko yung ballpen sa loob ng bulsa ko at inilahad ko yung palad ko. Nakuha niya agad kung anong meaning nun at sinulat niya yung number niya sa palad ko.
"You're not gonna flirt with me right?" Tanong niya kasama ng isang nakakalokong grin sa mukha niya. Kung yan yung ultimate na panlaban mo sa mga prey mo. Nak ng adobo napaka effective!
"What if I said yes? Would you still stay up late with me?"
"Siguro... pareho naman tayo diba?"
"I've wanted to mess with this girl's life since the day I met her"
"I'm looking forward to mess with his life too."
"Oh sige mag guluhan na kayo ng buhay, pero pwede na ba kaming mauna hijo? Paktay ako kay Mrs. Guillermo pag hindi ko naiuwi si Ms. Guillermo by 7"
"Ay, sorry po kuya. Paano ba yan, mauna na ako ha? Uwi ka na din. Buh bye"
"Ingat kayo. Buhbye" Ngumiti siya at pumasok na sa kotse.
(Lexie's POV)
"Sa tingin mo, maabutan kaya ni Gus si Raine?" –Devon
"Malabo, exactong 6:30 sinusundo na si Raine. Anong oras na ohh, siguro on the way na sila noong tumakbo palabas si Gus" –Marianne
"Hindi pwede! He has to make it! Ang pagkuha ng number ay ang first step sa pagiging manliligaw!" –Devon
"Bakit alam mo yan Devon? Nanliligaw ka na ba?" –Ako
"H-ha?! H-hindi pa" –Devon
"Ano Dev, pustahan tayo?" –Marianne
"Sige ba!"
Hindi ko ba alam kung pinaglihi itong dalawang ito sa peryahan o sa casino kasi halos lahat ng bagay pinagpupustahan nila eh! Kulang na lang pati mga laman loob nila itaya nila sa pustahan na yan. Eto na naman silang dalawa, pinagpupustahan kung maabutan ba ni Gus si Raine o hindi. Pero kung ako si Gus, dapat maabutan niya. Gusto ko talaga si Raine para kay August, hindi dahil sa ayaw ko nang nambababae si August kundi dahil ilang taon na ang lumipas, hindi pa din okay si Gus sa nangyari sa kanila nila Louise.
Hindi man mapantayan ni Raine si Louise, ayos lang kasi alam kong may nagkagusto ulit si August sa isang babae sa wakas. Kaya ko sila pinaglarong dalawa para habang nagsasama sila, sana lumalim yung nararamdaman nila sa isa't isa. Meron lang talagang isang malaking force na nagsasabi sa aking magwowork out ito. From the first time na maipakilala si Raine kay August alam kong may iba na sa playboy na yun.
~Flashback~
"Aww, kailangan na natin yung mga props mamayang hapon para mapractice na natin" –Devon
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomansaWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?