Forty Two: WTF?!

56 0 0
                                    

WTF?!

(August's POV)

Huminto na lang kaming dalawa ni Raine sa park kung saan niya cinelebrate yung birthday niya kasama yung staff ng Tsubasa. Umupo ako sa isang bench kasama niya at hinabol muna yung hininga ko bago ako nagsalita.

"Damn, I missed running away with you" Ika ko habang nakatingin sa madilim na langit.

"Namiss mong atakehin ng asthma?" Patawang tanong niya

"Mejo mejo lang naman" Nakangiti kong saad

Matagal na nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa. Pero sabi ko nga diba? Wala akong pakialam basta't makita ko siya ngayon.

"Bakit ka naman napauwi bigla?" tanong niya breaking the silence

"Namiss kita. Yun lang" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa "Dalaga ka na pala." Nakngiti kong saad

"Bakit dati hindi ba ako dalaga?"

"Hindi eh, mas binata ka dati" Hinampas niya ako ng mahina sa braso.

"Ikaw, anong nangyari sayo? Bakit nakasalamin ka na? Tapos parang tumanda ka ng 5 years?" Tanong niya

"Lumabo paningin ko eh. Alam mo na, kailangan mag aral para sa kinabukasan nating dalawa kaya dalian mong grumaduate! Papakasalan na kita"

"Hahahahaha! Yun ang hindi nagbago sayo! Joker ka pa din kahit waley yung mga joke mo hahaha" Oh she thought that I was joking? Hindi ako pwedeng ikasal kay Sophie kung kasal na ako sa iba diba? Or... I could just impregnate her... no! I wouldn't dream of it.

"I guess. Ano, ilang boyfriend naman ang meron ka ngayon?" Tanong ko

"Zero. Diba? Single but not available ako?" She's still not over me? Well I'm not over her. "Eh ikaw ba? May girlfriend ka na ba? Impossibleng wala yan!"

"Wala nga." Yumuko ako sandali at tumingin ulit sa langit. I can't believe I'm about to say this to her "I'm about to get married"

"W-Wow. C-Congrats" I can't even look at her.

"Okay lang ba? What do you think?" Tanong ko sa kanya

"Bakit ako yung tatanungin mo?"

"You know me best. What do you think? Masyado bang maaga or what?" Tanong ko. Please oppose me say that I'm not supposed to get married yet.

"Tama lang. Wala namang impossible sa isang Spade diba? Your family is too influential."

"Well..." who am I kidding "Please oppose me. Nagmamakaawa ako Ulan, pigilan mo akong magpakasal"

"Ha?"

"Ayaw kong magpakasal. Ayaw kong ikasal sa taong ayaw kong pakasalan. Kaya nagmamakaawa ako oppose me.... please."

"May magagawa ba ako pag pinigilan kita? Fixed marriage is a serious matter. Ang makakapaghinto lang nito ay yung kung sino man yung nag arrange nito"

Natahimik ako doon. Maybe she's right masyado lang akong ambisyoso pag sinubukan kong itigil yung kasal namin. Ni hindi ko nga maharap yung lolo ko, hindi ko din naman pwedeng pakasalan na lang agad si Raine. Ni hindi ko pa nga naliligawan eh.

"Ulan" Ika ko

"Ano?"

"Pwede bang tayo na lang?"

"Are you insane? Wala din namang magagawa yun."

"No. It's not about the wedding and stopping the marriage. Gusto ko lang maging girlfriend yung taong minahal ko talaga ng totoo."

Natahimik siya at napatingin sa akin ako naman napatingin sa kanya at kinuha yung kamay niya.

"Uulitin ko... pwede bang tayo na lang?"

Maya maya, umiiyak na siya. May mali ba akong nasabi? Bakit siya umiiyak?

"May mali ba akong nasabi? Wag kang umiyak... huuy." Ika ko sabay punas ng luha niya

--------

(Devon's POV)

Malapit nang mag gabi nang makarating ako sa school nila Marianne at Lexie. Hapon na kasi kami nakarating dito eh. Nang makita ko sila agad nila akong nilapitan at tinanong kung nasaan si Gus.

"Hindi niyo ba ako namiss at si Gus agad ang hanap niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa

"We have no time for games Dev. Nasaan ba si Gus?" –Lexie

"Ano bang meron?! Bakit ba ganyan kayo"

"Dev... nasaan si Gus" Pagdidiin ni Lexie

"Hindi ko sasabihin until you tell me what the f*** is going on"

"Engaged na si Raine." Mahinang sabi ni Marianne pero sapat lang para marinig namin.

Hindi naman ako si Gus pero bakit pati yung mundo ko gumuho? Yung pinakamamahal ng bestfriend ko, ikakasal din sa iba? She was his only escape and now what happened?

"Lex, you drive. Sumama bigla yung pakiramdam ko. Tapos gabi na. Bawal akong mag maneho." Isinandal ko yung likod ko in frustration sa back seat. "Nasa Tsubasa ata si Gus."

Napunta kami sa Tsubasa at nang ikwento ko sa kanila yung pangyayari sa Paris pati sila nadismaya. Sabi sa akin ni Marianne, umuwi daw yung lolo ni Raine tapos nung umuwi, may kasama nang lalaking binata. Tulad ng lolo ni Gus, ubod ng strikto itong lolo ni Raine hindi nagtagumpay si Tita Vangie sa pagtatanggol kay Raine at hindi naman makasagot si Raine sa lolo niya kaya heto siya ngayon. Perehong pareho sila ng condisyon ni Gus.

Nang makapasok kami sa loob ng Tsubasa, saktong umulan naman sa labas. Naabutan naming umiinom yung mga kabanda ni Gus kaya lumapit kami agad sa table nila.

"Hindi niya pa pala alam na engaged na si Ms. Raine"-Sky

"Buti na lang hindi niya tayo nahalata kanina."-Aaron

"Mas mabuti nang malaman niya mismo kay Raine ito kaysa naman sa iba diba?"-Eithan

"So, nasaan na si Gus ngayon?" –Marianne

"Hindi namin alam, tinakbo niya si Ms. Raine palayo eh." –Eithan

"August? Bakit basa ka?!" –Kuya Pierre

Nakita ko ang isang August Spade na basang basa sa ulan at kung maglakad parang zombie. Direchong tingin lang siya sa amin tapos ngumiti ngiting breakdown. Yung tipong ngingiti lang siya ng 5 seconds tapos biglang tutulo na yung luha niya.

"Paano ba yan..." Ika niya "Nakuha na naman siya sa akin"

Umupo siya sa bakanteng upuan ng table namin at kumuha ng isang bote sa isang case na inorder ng mga kabanda niya. Mukhang alam na alam nila ang word na prepared.

"Marianne?" Ika ni Gus nang makarecover na siya sa breakdown

"Oh?"

"Is there by chance na maitatakas ko pa siya palabas ng mansion pa minsan minsan?"

"Subukan natin, puro kawal ng lolo niya ang meron doon eh."

"Hoy, takasan mo muna yung lolo mo bago yung lolo niya" Ika ko

"Madali lang yan. Tatakas kami ni Sophie doon tuwing umaga para mag date kunwari. Ako naman yung magdradrive."

"Oy, ikaw Spade. Ingat ingatan mo yang pinsan ko ha? Mahirap na pag nalaman ng lolo niya ito."

"Oo. Walang impossible sa isang Spade diba?" Napa smirk siya. Eto yung stage ni August na desididong desidido sa ginagawa. "Oh and Thank You guys... Thank you talaga"

"Walang anuman"-kaming lahat.

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon