The restaurant crew
Nalaman ni Tita Vangie na nagtratrabaho ako sa restaurant nila kaya natabunan ako ng maraming questions sa bahay nila. At yun na nga. Andito ako sa bahay nila Raine at kasalukuyang nasa hot seat ako.
"Ano namang trip mo August. Jusko! Hindi ka ba pagagalitan ng mga magulang mo?" –Tita Vangie
"Hindi po. Baka nga po nagpapatawag na sila ng albularyo kasama ng mga barkada ko eh" Nung nalaman pala ni mama at papa na nagtratrabaho ako ng part time, agad silang nagpatawag ng doctor. Alam niyo naman... mga magulang ko... masyadong OA mas lalo na pag nagpakasipag ako.
"Sabihin mo lang kung gusto mong mapalapit kay Raine kasi ikukulong ko na lang kayong dalawa dito sa bahay"
"I-I'd rather not do that. Ayos lang po talaga sa akin yung pag trabaho sa restaurant niyo tita. Kahit nga wala na akong sweldo eh."
"Haay. Perehong pareho kayo ni Raine" Napahilot siya sa noo niya. "You guys are really stubborn. Tinanong ko siya kung may kailangan siya pero sabi niya wala. She said she just wants to work."
"Well, like you said tita. Ang tigas ng ulo niya."
"And you are no different." Tumayo siya sa pagkaupo at napahilot talaga siya sa noo niya "You guys are really giving me a headache. Just don't hurt yourselves." Ika niya sabay akyat sa kwarto niya ata
"Thank you Tita!!" Sigaw ko na lang. Ang kulit niyang tignanXD
Napatingin ako sa relo ko at tinignan yung oras. It's almost showtime. Hinahanap na din ako nung mga lalaki kaya nagdrive na ako papuntang restaurant. It's gonna be a long night.
———-
"Alright, since magcloclose na din lang ang resto. We'd like to sing this one last song for you folks" Ika ko sa harap ng mike.
Kinuha na ni Eithan yung acoustic guitar niya samantalang si Sky nakaposition na sa piano at si Aaron, sa drums pa din. Hindi ako hahawak ng instruments ngayon.
Closing time, open all the doors
and let you out into the world
Closing time turn the lights up over
every boy and every girl.
Bihira kasi kaming mag play ng rock songs sa gabi. Tuwing umaga lang yun. Well, balak kasi namin mula tanghali hanggang gabi kami magiging band, kaso hindi pumayag si Tita Vangie, sabi niya. Isang session sa umaga, Isang session sa hapon at isang session sa gabi, at yung session na yun 1 hour lang. Kaya bitin na bitin yung mga boys.
Closing time one last call for alcohol,
so finish your whiskey or beer
Closing time you don't have to go home
but you can't stay here
Si Eithan ang kumanta diyan sa part na yan. Talagang best seller itong mga boys ko dito. Simula nang tumugtog kami, tumaas yung rate nila ng 10% pa. Mas lalo na pag time na namin para kumanta. Pero tuwing vacant hours namin at ayaw pa naming umalis, gumawa kami ng solo sessions namin doon din
I know who I want to take me home
I know who I want to take me home
I know who I want to take me home
Take me home...
Or if not, nagiging part time waiters pa kaming apat. Ang lakas lang talaga ng trip namin. Hindi niyo kami masisisi, minimum wage din ang sweldo namin dito kasi hindi naman yun yung habol namin. Gusto lang talaga namin magtrabaho.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?