Meeting the boyfriend
(August's POV)
"Umm... Manang Elly, pwedeng pakitawagan na yung hardinero natin kasi parang kailangan na uli ng pruning ng mga hedge natin." -Mama
"Yes Mad-"
"Ma, ako na lang ang gagawa nun. Pinag aralan ko yun kagabi eh" No, really napansin ko ring kailangan nang ma trim yung mga hedge sa may front yard kaya nag download ako ng YouTube videos para panuorin kung paano mag prune ng mga ganyan. Plus, it's a Saturday, pwede akong magtrabaho.
"Ser, okay lang ba kayo?" Tanong ni Manang Elly
"Oo naman. Ako na ding maghuhugas ng pinggan"
"Jusko po! Madam, kelangan na ata nating magpatawag ng doktor" -Ate Elly
"Tatawag na po ba ako?" Tanong ng isang maid
"Anak, humiga ka muna sa kwarto mo. Parang may lagnat ka." -Papa
"H-ha?"
"Useually, tamad ka pag sabado. Ang aga mong gumising, Nagluto ka pa ng breakfast, Nag volunteer na maging hardinero at maghuhugas ng pinggan? Yung totoo anak, okay ka lang ba?" -Mama
"Ayos lang po ako Ma. Nilinis ko nga po yung kwarto ko kanikanina lang eh" Nakita kong nag sign of the cross yung mga katulong na nakapalibot sa amin si Mama at Papa naman ganito lang ang expression O_____________O
"Xavier dear, parang napasobra ata tayo sa pagtratrabaho. I almost thought that August actually cleaned his room. Hahaha"-Mama
"Pero ma, totoo po."
"Anong kelangan mo anak? Ibibigay na lang namin ni Mama" -Papa
"Wala po. Gusto ko lang po mag trabaho"
Ang dami pang tinanong sa akin bago ako nagsimulang maglinis ng bahay hanggang sa napapayag ko din lang sila. Kaya heto ako ngayon sa labas ng bahay na nagtritrim ng mga hedge. Hindi na ako pinayagang maglinis ng bahay kasi inaagawan ko na daw ng trabaho yung mga katulong namin.
Siguro ito na nga yung way ko para mawala yung feeling na ayaw kong maramdaman. Magpaka busy at ma distract sa pagtratrabaho. Siyempre itutuloy ko pa rin yung panliligaw part ko. Pero I have to shake this feeling off first. Mahirap, pero kakayanin naman ng isang August Spade diba?
"Hey Hey! Gus basket-oh... wow! Anyare?!" Nakita kong naka jersey si Devon na pumasok sa loob ng gate.
"Hindi ba obvious tol? Naghahardin ako.-____-"
"No, what I mean is... Deym! Anyare sayo?! Bat ka naghahardin?! May shortage na ba ng mga hardinero ngayon?"
"Wala naman. Gusto ko namang gawin ito. Napansin ko lang kasi na mahaba na yung mga branches nito kaya naisipan kong I trim." Nakita kong nilabas ni Dev yung cellphone niya at parang tarantang taranta na nagtype ng message.
"Saan siya?!" -Biglang pasok nila Lexie at Marianne na may dalang gangster?!
"Ayan ohh!" -Dev sabay turo sa akin.
"Palabasin niyo po yung masamang espirito na sumanib sa kaibigan namin" -Marianne na kinakausap yung gangster.
"H-Ha-?!" Bigla akong pinaghahampas ng gangster ng dahon ng malunggay o kung ano man yun at may chinachant na parang magic spell na hindi ko maintindihan.
Tapos bigang pinag bababasa ako nila Marianne ng tubig.
"H-Huy nababasa n-na ako. Ikaw! Tumigil ka nga" Ika ko sa gangster na nagriritual sa paghahampas ng malunggay o diko alam sa akin. Tumigil naman sila
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?