Eleven.5: When his world collapsed (p2)

82 0 0
                                    

When his world collapsed (p2)


"Kami na" Hindi ko alam kung paano ako makaka react kasi hinihintay ko yung part na 'joke lang' o di kaya yung 'siyempre ngayon lang ito' pero wala.

"Ahh... Congratz" Yun lang yung nasabi ko habang nakangiti. Parang may isang malaking part ng katawan ko ang kumirot. Parang may biglang cardiac arrest ako pero hindi naman masyadong masakit, hindi ito cardiac arrest.

"Hindi ka galit or something?"

"Nah, basta Masaya ka... geh okay lang ^______^" Pero may masakit...

"Salamat kuya."

"You are welcome" Halos hirap na akong sabihin yan pero buti nasabi ko din. "Sige na, baka hanapin ka ni Tita Vangie"

"Salamat ulit kuya." Saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Bumaba na siya sa kotse at pumasok sa bahay nila. Nagdrive na din ako pauwi. Yung halik na yun, yun sana yung magpapasaya sa akin eh. Kaso, ngayon, parang lason yung halik na yun kasi ang sakit. Hanggang sa naramdaman ko yung ulan sa pisngi ko. May bubong naman yung kotse ko, nakasarado din lahat ng bintana.

Pagpasok ko sa kwarto ko, humiga na lang ako sa kama ko at unang tinawagan ang taong alam kong papakinggan ako kahit ganito na yung estado ko.

'Hello? Gus, anong oras na ahh'

'Baka gusto mo nang ipagsabi sa buong school na baog ako.' Alam kong basag na yung boses ko kasi umiiyak na ako.

'Anong-'  

'Taken na siya Lex. Sila na ni Shawn.'

'Gus...'

'Game over na ba ako? Hindi ko ba nasunod yung deal?'

'Gus, gabi na. Bukas na lang natin ito pagusapan. Magpahinga ka muna okay?' Binaba niya na yung tawag kasi alam kong nakaramdam din siya. Una kong ginawa, kinuha ko yung pinakamalakas na alak ko sa mini ref ko sa kwarto at yun ang ininon hanggang sa nawalan din lang ako ng malay.

——

Araw at sakit ng ulo ang sumalubong sa akin kinabukasan. Naligo ako, nagsuot ng uniporme at dumirecho sa hapag kainan. Pormal na pormal ang dating ni mama at papa nang madatnan ko silang kumakain.

"August anak, kain tayo" Ika ni Mama

Hindi ko alam na ganito pala ako kahina. Nakatayo lang ako doon sa harap nila at hindi gumagalaw.

"Anak, okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" –Papa

Nakatungo ako pero nakita kong papunta si Mama at Papa sa gawi ko.

"Anak, sabihin mo kung ano yung masakit" –Mama na humawak sa noo ko.

Napayakap ako sa kanilang dalawa at doon humagulgol na parang batang inaway ng maraming bully. Dati ganito din ako pag namiss ko sila mama at papa pag umaalis sila ng mga business trip. Pero ngayon, ganito ako kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko na tuwing maalala ko ito, mapapaiyak ako. Ito na naman ang isa sa mga rare moments na mukhang vulnerable ako sa mukha ng mga tao.

"Tahan na anak ko. Lilipas din yan" –Mama. Parang na gets na niya kung bakit ako umiiyak.

"Ganyan lang talaga. Parte yan ng pagiging binata mo" –Papa. Lagi niyang sinasabi yan pag natatalo ako sa mga laban ko at yung pinakauna ay noong tinuli ako. Pero ngayon, alam niyang hindi ito Physical pain.

Ngayon na lang ulit ako napayakap sa mga magulang ko at ngayon na lang ulit nila ako nakitang ganito. Buti na lang at hindi pa nila ako pinagalitan niyakap na lang din nila ako at pinatahan ako parang noong bata ako.

Pumasok din ako ng school na parang zombie kasi ang bagal kong maglakad at crooked ang posture ko. Pero gwapo pa din ako kaya pinagkakaguluhan pa din ako kahit papano. Pagkarating ko sa classroom, naghihintay na sa akin yung tatlo sa upuan ko para mag kwento.

"Well, sila na" Walang gana kong sabi

"Ano pa yung isa mong sinabi Gus?" –Lex

"Kung set up lang ito at yung kahapon, I must say. I am impressed and I surrender. Now sabihin niyo sa akin hindi totoo yung inamin niya sa aking sila na ni Shawn"

"Kung sana nga kagagawan namin yun. Babawiin na namin ngayon ngayon din eh. Kaso... hindi" –Marianne

"So, talo ako?"

"Hindi pa naman. Kasi diba pang 54th spot ka? So may pag asa ka pa" –Devon

"Paano kung siya na yung 'the one' niya" –Ako

"..." Hindi na nakaimik yung tatlo. Sabi ko na nga ba ehh...

——

(Devon's POV)

Hindi namin alam yung isasagot kay August para mapakalma siya. Kasi nung nakita naming papasok na siya, mukhang  hindi siya nakatulog ng isang taon eh. Kwinento na din sa amin ni Lexie yung tawag ni Gus kagabi. At dahil sa hindi pa masyadong gising yung diwa ni Lex noong gabing iyon, pinatulog niya din muna si Gus.

"WAAAAAHHHH Ayaw ko nang mabuhaaay!" Niyakap ako ni Gus at umiyak na parang batang nasugatan

"H-huy, preh! T-tama na! Kay Marianne ka na lang yumakap! Ang awkward neto oh" Ika ko kay Gus na nakayakap sa akin habang umiiyak. Akalain mong ganito pala ito pag heartbroken

"*sniff* A-ayaw koo! *sniff*"

Pinatahan nung dalawa si Gus hanggang sa makatulog siya sa desk niya. Grabe. Torture! Kulang na lang pagsingahan niya ng sipon yung uniform ko.

"Seryoso si Raine kay Shawn?" –Lexie kay Marianne

"Oo. Mukhang ganoon nga"

"Eh si Shawn?"

 "Hindi ko lang alam. Pero mukhang seryoso naman siya"

"Paano na si Gus?" –Ako

"Paghihintayin natin siya. At kung possible, ilayo muna natin siya kay Raine"

"Grabe. In denial pa lang siya. Iba na din siya mag effort para kay Raine" –Marianne

Naalala ko yung noong nakaraang mga linggo. Mga Monday siguro yun. Sinabi niyang tuwing Monday na lang daw siya kakain ng recess at yung pera niya ng Tuesday-Thursday ilalagay niya sa ipon niya at sa Friday, kakain ulit siya. Alam niyo kung ano yung pinag iipunan niya? Yung date nila ni Raine. Nagtaka nga ako kung bakit nag iipon pa ito eh. Mayaman naman siya. Grabe pa maka credit card. Effort talaga. Pero ano ang ikinahinatnan niya... Taken yung babaeng minahal niya.

"Sana maiiwas natin siya kila Raine. Ako nang nasasaktan sa kanya"-Marianne

"Galingan na lang natin sa pag iwas" –Ako 

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon