Forty: Ang Huling Sayaw

66 0 0
                                    

Ang Huling Sayaw 

(Raine's POV)

Argh! 2 months pa lang ang nakakalipas since nung 1st day of school stressed na stressed na ako. Enebeyen-_________-. Buti na lang Friday ngayon makaka relax na ako bukas... oh wait... may assignments ako Deym

"You need help with that?" Isang pamilyar na kotse ang tumigil sa gilid ko at agad akong binabaan ng bintana.

"Thank you!" Ika ko at sumakay na sa kotse.

"So, saan ka ngayon?" Tanong sa akin ng aking driver kuno

"Bahay, I have a lot of assignments to do."

"Tulungan na kita, mamayang gabi pa ulit kami tutugtog. May klase na kasi yung mga ugok kong kabanda." Nakangiti niyang saad.

"Sure. Daan muna tayo sa bookstore may bibilihin lang akong mga gamit."

See, no more awkwardness. Laging ganito yung routine namin kasi kadalasan, bored si Agosto sa bahay nila kaya siya yung nag volunteer na sunduin ako sa school at ihatid sa bahay. Yun yung usapan namin eh, friends na lang muna hangga't sa hindi pa kami ready. Kung tutuusin, mas mahirap pag isang playboy at isang playgirl ang nagsama.

"Hey, Agosto. Kelan ang luwas mo?" Tanong ko sa kanya habang nasa harap kami ng stop light.

"Mamayang madaling araw na." Ika niya nang nakatingin sa stop light.

Really, mamaya na? Oh... right, August 8 na mamayang madaling araw. So, he's really gone now huh? Last performance na ng Black and White mamaya. Bakit parang ang lunkot isipin? Sa umpisa lang yan Raine ano ka ba!

"Hoy, update mo ako lagi ha?" –Ako

"Oo naman." Sagot niya at pinaandar na ulit yung kotse, green light na eh.

"Sabay pala ako sayo mamaya sa Tsubasa. Doon na pala ako mag didinner."

"Sure ka? Mejo late na yun."

"Oo, tutulungan mo naman ako sa assignments ko diba? Hati tayo para mabilis"

"Oh eh di sige"

Pagkatapos ng bisita namin sa bookstore, dumirecho kami sa bahay. Hati kami ni Agosto sa assignments. Sa kanya yung Math at English akin naman yung Science at project ko sa Social Studies. Natapos kami ng mga bandang 8:00 pm. Nagpahinga kami sandali at tumungo sa Tsubasa pagkatapos.

"Yan na si fafa vocalist!!!" Sigaw ng mga fans ni Agosto

Ngumiti lang si Agosto at umakyat sa stage nang hindi pa binibitawan yung kamay ko. Whatda?!

"Wag mong sasabihing gusto mo pa din ng duet? Oy! Bayad na ako sa atraso ko sayo ha!" –Ako

"Last duet na. Please?" Nagmamakaawang tanong niya

"Tss... sige na nga, pagbigs." Kinuha niya yung isa pang wireless lapel sa bulsa niya at binigay sa akin. Pag nagpeperform siya ito yung lagi niyang gamit kasi magulo siyang mag perform pag minsan.

Lumabas kaming dalawa sa backstage at mas lalong lumakas yung applause ng mga tao. Mas malakas sa usual na palakpakan nila.

"Yiee! Yung power couple na naman ang magduduet!" –crowd

"Good evening, We're black and white and this is our last performance" Nag 'awwwww' yung crowd at yung mga supper fans nila parang iiyak na. "But don't worry we'll be back, soon" Nakangiting sabi ni August.

"Lahat po ng kanta namin ngayon, puro duet kasama yung manager ng Tsubasa na si Ms. Raine Guillermo." Ngayon naman puro ayiee yung maririnig mo.

"Let's start jamming shall we?" Ika niya sabay ng pagtugtog ng banda niya.

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon