Seven: KitKat

115 3 0
                                    

KitKat



"Everybody, let's give it up for the Ariel Band!" time check, 10:30 na ng gabi, kalahati pa lang ng program. At dahil sa nag offer yung ka buddy kong maging sub ko sa dressing room, lumabas muna ako sandali at tumambay sa mga benches

'Andiyan ka na naman... do your job' -Raine via Text message

'Break ko, may sub naman ako sa loob :3'

'Mamaya papagalitan ka na naman diyan' Nakita kong papalapit na siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Eh ikaw, diba dapat nagpapalit ka na ngayon?" -Ako

"Ito na yung last costume ko. Pang last number na kami mamaya." Nakangiti niyang saad. Alam niyo ba yung feeling na parang lumiwanag yung paligid nung ngumiti siya? Pwede na siyang maging model ng Close up. Wala eh, ang ganda ng ngiti niya... sana lagi na lang siyang nakangiti.

"Heyy! Amaze amaze ka na naman sa akin" -Siya

"Heh! Bumalik ka na nga sa dressing room! Baka mahalikan kita diyan eh!"

"Halikan kung hahalikan, alam ko namang hindi mo kaya eh!"

"Are you challenging me?" Nilapit niya lalo yung mukha niya sa mukha ko hanggang sa maramdaman ko na yung paghinga niya

"Try me Spade" Hindi na siya gumalaw sa distance niya so it means ako yung lalapit? Damn!! Hindi ko nga kaya.

"Hindi ko kaya" I surrendered. Lumayo naman siya ng konti sa akin at tumawa

"Yan kasi! Wag kasi puro kaya ko ito! Uso din suko."

"Opo boss" Tinignan ko lang siya at nakatingin siya sa mabitwin na langit habang nakangiti... ano bang problema niya at lagi siyang nakangiti?! Yung totoo, may balak ba talaga siyang maging model ng Close Up? "Hey, do you want to eat?" Tanong ko

"Nah, okay lang ako. Sanay na eh. Ikaw dapat ang kumain! Pagod ka" Ano ba yan! Hindi ba siya nakakaramdam na for the first time in forever sinusubukan kong pumasok ng ligaw sa isang babae?! Damn! How can she be so slow?!

"I can't not while you're still hungry. Mamaya mag collapse ka o ano"

"Okay na ako Mr. Spade." Dahil sa nasa breast pocket ng uniform ko yung KitKat ko, kinuha ko yun at inabot kay Raine

"Oh... I won't take no for an answer"

"Thank you na nga lang" Binuksan niya yung Kitkat at kumuha ng isang bar... tapos inabutan niya din ako ng isang bar. "Alam ko namang favorite mo ito eh" >/////<

Kinuha ko yung isang bar at kinain ito. Nanahimik na lang ako at tumingin sa mga bitwin sa langit. Bakit kasi naalala ko yuun?! Deym deym!

~Flashback~

Umaga noong panahon na iyon. Ayaw ko nang ikwento yung battalion namin kasi baka mainis lang ako kaya skip na tayo sa playground demo namin. Ilang oras na lang playground demo na pero wala pa yung mama kong may hawak ng susi sa office niya. Andoon kasi yung mga damit ko para sa playground demo. Bale nakasuot pa lang yung CAT uniform ko.

"Hey Agosto" Tawag niya mula sa likod ko. Nakasuot siya ng long sleeves at skater skirt at nakaupo lang siya sa may cafeteria

"Ohh, bakit ulan?" Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya

"Wala lang. Problemado ka ata"

"Mejo, kasi malapit na yung presentation namin wala pa yung mama ko. Di tuloy ako makapagpalit ng damit"

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon