Twenty eight: A week without August/Raine

55 1 0
                                    

A week without August/Raine


(Raine's POV)

Mas lalo lang naging magulo yung mga araw ko nung dumating na si Sam. Aside from Shawn, si Sam ang isa ko pang conquest. Friends lang kami nung jejelord, billionare at nung barong model pinakiusapan ko lang sila na magpangap na manliligaw ko para mapikon si August.

"Hindi ko alam kung bakit pero sa lahat ng mga lalaking umaaligid sayo, siya ang pinaka kinaiinisan ko." –Sam kasama ko siya ngayon sa isang table ng restaurant. Break ko kaya magkasama kami dito sa isang table ng restaurant.

"Why? Because he's so charming?" Tanong ko ng patawa

"Anong charming ka diyan!? Dahil ba magaling kumanta at marunong mag gitara charming agad?" –Sam

"Para sa akin, charming yun" Nakangiti kong sabi

"Saan ba may murang voice lesson?" Tanong niya bigla na nagpatawa naman sa akin. Maya maya, pumasok yung barkada ni Agosto sa restaurant, by barkada, I mean Ate Marianne, Ate Lexie, at Kuya Devon.

"Hi ins. Busy ba si Gus?" Tanong ni Ate Marianne completely ignoring Sam wala eh, team GusAine daw sila ni Mama.

"Patapos na yung night session niya ate hintayin niyo na lang" Sagot ko. Pang apat na nila yan eh.

Umupo sila sa isang table na mejo malapit sa stage since yung ibang mga upuan na malapit sa stage taken na mostly ng mga barkada ng mga babae.

"Pinsan mo?" Tanong ni Sam habang tinitignan si Ate Marianne

"Oo. Barkada ni Gus" Ika ko naman kaya kumunot yung noo niya

"Sobra na siya ha! Lahat na lang ng mga magaganda umaaligid sa kanya"

"Gwapo eh. Wag ka ngang ano diyan. Naka reserve yung pinsan ko sa iba"

"Kanino? Sa mukhang bakla?"

"Hoy, hindi mukhang bakla si Kuya Devon! Ang gwapo niya kaya"

"Mas gwapo naman ako doon!"

"Oo na lang Sam"

Maya maya, nakita kong bumaba si Kuya August sa stage at lumapit kila ate Marianne. Parang ngayon ko na lang ulit sila nakitang buo, I guess nakatakas din si Kuya Devon sa Baguio. Mga ilang minuto ang lumipas, may pumasok na namang isang magandang babae parang nakita ko na siya dito dati. Nung lumingon si Kuya Devon, agad niyang kinawayan yung babae. Si Kuya August naman tumayo mula sa pagkaupo at nilapitan yung babae. Siya ba yung ate Sophia? Bakit ganoon, bakit parang may biglang kumurot sa puso ko nung nakita ko siyang ngumiti kay Ate Sophia?

———-

Kinabukasan...

Buong araw na walang August sa restaurant, kaya ang nagsilbing vocalist ay si Kuya Sky o si Kuya Eithan.

"Bakit parang wala si Kuya August ngayon?" Tanong ko kay Kuya Mikko

"Oh, nakalimutan kong sabihin. Sabi ni August, kukuha daw siya ng one week leave kasi nagyaya daw yung barkada niyang ilabas muna siya para naman maexperience niya ang summer." –Kuya Mikko

"So, one week na walang August?"

"Yep. Walang mang iistorbo sa inyo for one week." –Kuya Mikko

Normally, I would be happy pero bakit parang nawalan ako ng ganang magtrabaho? I feel drained. Dati naman, ganito kami ni August. Noong wala pa siya sa buhay ko, noong oras na wala pang gulo sa buhay ko. Nasanay lang siguro ako.

Mr. Playboy's Ms. Playgirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon