Meeting his parents
Like any other policy, sarado ang Tsubasa Bistro (le restaurant name) tuwing Sunday. Pero pinakiusapan ako ni Tita Vangie na ilabas si Raine. Kaya heto kami ngayon sa kwarto ko, nakahiga sa kama.
"Bilisan mo Agosto. Ang bagal"
"Wag ka ngang demanding ulan!"
"Matagal mo nang ginagawa ito tapos ganyan ka? Tch... nakakawala ng excitement"
"Quit teasing me. Ang sabihin mo na lang nasarapan ka"
"Sobrang nasarapan"
Hep! Walang magic na nangyayari sa amin... Naglalaro lang kami ng Need for Speed sa playstation ko. Yun na nga, nanalo pa siya. Eh kasi naman, ikaw ba naman kasi mabangga sa kotse ng mga NPC. Yan tuloy nanalo pa siya.
"Deym. That's the first time someone beat me in this game."-ako. Sabay harap sa kanya
"Next time kasi, watch the traffic" Ika niya naman sabay turo ng hintuturo niya sa ilong ko.
"Expert ka na sa lagay na yan?"
"Not yet. Pagaaralan ko pa yang larong yan." Ngumiti siya "2 out of 3?"
"Ayaw ko na!"
"Eh anong gagawin natin? Ayaw ka pang pabalikin ni Tita Vangie sa bahay niyo" Dagdag ko
"I don't know, matulog na lang kaya tayo"
"Speaking of which, nasaan naman yung boyfriend mo? Diba dapat kayo ang magkasama?"
"May family trip sila ngayon. Kaya I'm stuck with you"
"Ayaw mo ba?"
"Ayaw" Ika niya sabay talikod sa akin.
"Ayaw talaga?" Niyakap ko siya habang nakatalikod siya sakin hindi naman siya against doon. Tulad nga ng sabi ko, natural na sa amin ang maging ganito kalapit sa isa't isa. Parang ako at si Sophie lang ang closeness namin.
"Oo ayaw"-Raine. Tsss.... Stubborn as ever.
"Anong shampoo mo?"
"Umm... Dove. Bakit?"
"Ang bango eh." No seriously ang bango niya parang ayaw ko na siyang bitawan.
"Eh sabon?"
"Dove din."
"Feminine Wa-awww!" Ikaw ba namang sapakin sa noo. Ang sakit po
"Kung gusto mong malaman, pasok ka na lang sa banyo ko. Kung ano ano kasing tinatanong" Bumalik ako sa pagkayakap sa kanya habang tumatawa kahit ang sakit ng sinapak niya. Amazona! Pero kahit ganyan yan mahal ko yan... bilang kapatid.
"Hoy. Naeenjoy mo na ata ang pagkayakap sa akin ha?" –Raine
"Sobra. Kaya wag kang magulo and let me hug you like this."
"Masobrahan mo. May boyfriend ako remember?"
"I don't care. Tandaan mo, mas malala pa din ang pagkaplayer ko sayo."
"So?"
"Which means... Na master ko na yung technique ng panunulot ng babae ng iba. Easy easy na lang para sa akin ang agawin ka kay Shawn kung tutuusin eh."
"Bakit ayaw mong gawin?"
"Kasi alam kong Masaya ka sa kanya at sobrang tanga ko na kung aagawin pa kita sa taong makakapag pasaya sayo at aalagan ka ng higit pa sa magagawa ko."
(Raine's POV)
Natahimik naman ako doon. Ang nagpa amaze lang sa akin ay yung fact na kahit laro lang ang lahat ng ito para sa kanya, nagagawa niya pa ding sabihin yung mga salitang nagpapatunaw sa puso ko. Parang sobrang seryoso siya sa panliligaw niya sa akin. Sabi din yun ng mga kasama ko sa Tsubasa Bistro, and to tell you the truth, sa lahat ng mga manliligaw ko siya ang pinaka nagustuhan ni Mama at nung mga taga Tsubasa. Bakit? Magalang daw kasi, Seryoso, Gwapo, Mayaman, Magaling kumanta, at alam daw nilang hindi niya ako lolokohin. Jusko, player yan, nasa nature niya ang panchichicks. Kaya pag naging kami netong loko lokong ito. Baka puro lokohan lang ang relationship namin.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy's Ms. Playgirl
RomanceWhat happens if Mr. Playboy meets his Ms. Playgirl? Hay nako! Lokohan ba ito? o seryosohan na?