Sabi ng Iba.
Love is universal.
Love has no Gender.
Love is Blind.
Love Is Sacrifice.
And Love is not a Game.
Pero para sa akin??
Love is Theo.
Mali ba ang umibig sa Bakla??
Mali bang nagustuhan ko sya dahil masaya ako kapag kasama sya??
Bakla na din ba ang ituturing ko sa sarili ko kasi gusto ko sya??
Or Bakla na din talaga ako simula ng dumating sya sa Buhay ko?
Alam ko namang walang ibang taong makakasagot ng mga katanungan ko kundi ako lang, Sarili ko lang.
At siya??
Wala, Sitting Pretty lang sa gilid.
Habang naglalaro kami ng Basketball ng mga Classmates ko, Kita ko silang nagsisigawan sa panonood sa amin, Ang mga kaibigan nyang bakla ay tumatakbo palapit sa may hawak ng bola hindi para makiagaw ng bola kundi mangyakap.
Kaya Imbis na Mainis ay nagtatawanan lang kami.
Ang hirap din kasing pigilan ng mga baklang yun.
Dumako ang Tingin ko sa Prinsipe ng mga Bading, tumatawa lang ito sa Gilid at pinapanood yung mga kaibigan nyang manghipo at mang gulo sa laro namin.
May Make up siya pero masasabi kong dumagdag yun sa Kagandahan nya, Hindi siya tulad ng ibang mga Bading na makapal o manipis na make up ay mukha pa ding Bading.
Siya Simple lang, Hindi trying hard magpaganda pero maganda na talaga siya.
At Siya si Theo, Theo sa Umaga, Thea sa Gabi, Naging kaklase ko na siya ng tatlong taon sa High school at ngayong Grade 12 hindi ko na siya naging classmate, Bumaba kasi ang Grades ko sa ilang subject kaya hindi ako nakabilang sa Star section kung saan nagsama sama ang mga Matataas ang IQ.
Kahit Bakla siya, Matalino, Gwapo, Maganda at Magaling maglaro ng Volleyball.
" Tumabi nga kayo, Mga Bading!!! " Hiyaw ng Kaklase kong si Earl, Halatang inis na ito sa mga ginagawang panghahawak ng mga bading sa kanya.
" Arte arte mo, Kuya Hindi ka naman masarap " Sabi nung Bading na may headband na patusok sa noo, Nagmumukha tuloy syang Unicorn.
" Bakit Natikman mo na ba ako?? " Tanong ni Earl.
" Hindi, Pero kung gusto mong tikman kita, Sige Mamaya " Pabebe na sabi nung bading, Nagtilian naman yung mga kapwa nya bading, Kaya natawa si Earl.
" G*go, Tumabi na kayo Naglalaro kami oh " Earl, Pero imbis na Tumabi ay yumakap pa lalo sa kanya yung inaaway nyang bading.
*Bell*
Napalingon ako sa Speaker na tumunog, Haystt!!! Minsan lang makaSulyap kay Crush ganito pa, Nagsitayuan na ang mga estudyante na nasa Audience Bench, Kaya Nagsitakbuhan ang mga bading sa mga kapwa nila Bading, Nagsimula naman kaming maglakad pabalik sa bench na pinaglalagyan ng mga gamit namin, Saktong Duon dadaan si Theo kaya binilisan ko ang lakad at binunggo sya.
Sabay kaming napatingin sa isa't isa, Umakto akong nasaktan sa nangyari kaya nanlaki ang mata nya.
" Aray " Kunwari ay nasasaktan kong sabi, Dahan dahan kong ginalaw ang braso ko pero kunwari ay mas lumalala lang yung sakit.
" Hala, Sorry " Concern nitong sabi sa akin, Hahawakan nya sana yung balikat ko ng bigla syang sigawan nung mga bading nyang kasama.
" Theo, Bading Ano ka na dyan?? Ngayon ka pa talaga lalandi kung kelan tapos na yung Break " Sabi nung mukhang unicorn dahil sa suot nitong headband.

YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...