Mother of All Bruha
VALENA
Kinailangan ko munang magpalamig at magmuni muni kaya minabuti ko munang maligo.
Iniisip ko lang kung paano ako nalagay sa ganitong sitwasyon.
Bakit kaya dito ako napadpad sa mundong ito?
Nagpalingo lingo ako. Hindi ako dapat malungkot. Wala rin namang magagawa ang pagiging emosyonal.
Mabilis kong inilublob ang sarili sa bathtub. Umaasang babalik ang lahat sa dati sa pag ahon ko. Ngunit bigo ako.
Sa pag ahon ko iniisip ko na bitawan na muna ang pag iisip sa nakaraan kong buhay at yakapin ang bago kong kapalaran.
E ano naman kung nasa loob ako ng napakasamang mangkukulam. Gagamitin ko na lang ang pangalawa kong buhay para gumawa ng masasayang alaala.
Napasarap ang pagligo ko paano ba naman kasi sobrang laki at gara ng banyo ko. Sing laki na yata ng isang buong bahay namin noon ang bathroom. Tsaka talagang pang mayaman ang mga gamit at mga materyales na nakapalibot. Yong bathtub sobrang ganda! Pang reyna talaga ang design at talagang gawa sa mamahaling materyales at may mga gold pang palamuti. Tsaka gatas ang ginamit instead na tubig with matching petals ng rosas at lavender pa. Kaya ayon nagbabad ako ng bonggang bongga.
+++++++
Mag isa akong nakaupo ngayon sa napakahabang mesa kung saan madaming pagkain ang nakahanda. Lahat yata ng masasarap na pagkain ay nakalatag na sa mesang ito. May fiesta yata sa dami ng handa. Sa gilid naman ay nakapila ang mga katulong. Mukhang handang pagsilbihan ang isang kagaya ko. Pero ang pangit ng mga mukha ng mga katulong na ito.
Mukha talaga silang mga bruha. Tapos ang suot nila ay itim na mahabang damit. Napaka pangit din ng taste nila sa fashion. Handa
raw nila akong pagsilbihan. Pero tingin pa lang nila parang kinakain na nila ako ng buhay. Kaya imbes na utusan ko sila ay mas mabuting ako na lang ang gagawa ng trabaho dahil mukhang nakakatakot silang manduhan at baka isumpa pa nila ako.Medyo madilim rin ang buong lugar. Takot ba sila sa liwanag?
Kahit mukhang sobrang sarap ng pagkain ay nag aalangan akong tikman ang mga ito. Baka kasi nilagyan ito ng sumpa ng mga bruhang katulong. At kapag magtangka akong kumain kahit isang subo lang sa alinman sa mga pagkaing ito ay magiging palaka ako. O kaya'y maging unggoy o baka maging ipis! Kaya tiis tiis na na lang muna ako. Pero sa isang banda ay nagugutom na rin ako. Grabe amoy pa lang ay naglalaway na ako ng patago.
"Kain na po kamahalan."magiliw na sabi ni Beauty.
"Bakit ang dami naman yatang handa? Pinapataba niyo ako no? Pagkatapos ay iluluto niyo ako sa kumukulong kawa tapos kakainin niyo ako!"bulalas ko na medyo natakot ng very light.
Napahalakhak ang bruha. "Don't make me laugh kamahalan. Kung pwede lang edi sana noon pa namin ginawa. Pero, dahil kami ay hamak na mga taga silbi lamang di hamak na mas malakas at makapangyarihan kayo kaysa sa amin."sabi naman ni Beauty. Mukha namang may katotohanan ang kanyang sinabi dahil kita ko sa kanyang mga malalaki at ma eyebags na mga mata ang pagiging sinsero.
"Beauty talaga bang napakasama kong nilalang?" Bigla kong tanong.
Tumango tango naman siya bilang sagot.
"Sobrang sama po. Sana huwag kayong tumigil sa pagiging masama kamahalan. Kung maari pag malupitan niyo ako."sabi niya.
May tupak yata sa utak 'tong babae na ito. Hindi lang pala mukha niya ang may sira pati rin pala utak.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...