Chapter 22

369 46 11
                                    

The Agonizing Truth

VALENA

Bago nagtapos ang masayang gabi sinabi ko na sa kanila ang aking desisyon tungkol sa sumpa ng mga mamamayan.

"Gusto kong palayain ang mga tao sa kanilang mga sumpa. Tatanggalin ko ang mga sumpa nila."

Gulat na gulat naman sina Beauty at Pretty sa narinig.

"Ano?!"

"Bukas ko na lang sasabihin ang buong detalye." sabi ko.

+++++++


Pinag isipan ko na'tong maigi. Sigurado na ako sa gusto kong gawin. Palalayain ko ang mga taong bayan mula sa sumpang gumagapos at nagkukulong sa kanila sa kalungkutan at pagdurusa.

Naaalala ko na naman ang palaging bilin sa akin ng aking mga magulang. Sabi nila sa akin noon, 'kapag ikaw ay nasa isang sitwasyon kung saan pwede kang makatulong sa iba, huwag kang magdalawang isip na tulungan sila'. Sa mga katagang yan ako humuhugot ng lakas ng loob ngayon para magawa ko ang aking binabalak.

Alam kung may mga posibleng consequences ang aking gagawin pero hindi ko matitiis na hayaan na lang ang marami na magdusa.

Bubuohin ko ang anumang winasak ng dating nagmamay ari ng katawang ito.

Paghihilomin ko ang mga nilikhang sugat sa kanilang mga puso gamit mismo ang katawang nagdulot sa kanila ng pighati.

Kinausap ko ulit si Beauty tungkol sa aking binabalak. May tiwala ako sa kanya. At pinanghahawakan ko ang sinabi niyang nasa akin ang katapatan niya. Alam kong hindi assurance ang panunumpa niya ng katapatan pero may tiwala ako sa kanyang mga sinabi.

Sing laki ng bilog na buwan ang mga mata ni Beauty na nakatitig sa akin. "Nahihibang ka na ba kamahalan? Siguradong sasabog na parang bulkan ang inyong ina kapag itinuloy niyo ang inyong binabalak!"

"Yun ay kung malalaman niya ang gagawin ko Beauty. Kaya nga kita kinakausap para tulungan mo akong itago ang lahat sa kanya." kumuha ako ng isang bote ng wine. Inalog alog ko ito.

"Pero kapag ginawa mo iyan nangngangahulugan iyon ng pagsuway sa iyong ina kamahalan!" para siyang kitikiti na hindi mapakali.

"Kaya nga ililihim natin, diba? What she doesn't know won't hurt her." nagsalin ako ng wine sa baso at iniabot ko ito sa kanya.

Mabilis niyang kinuha mula sa aking kamay ang wine at walang prino ang lalamunan niya na nilalaklak ito.

"Alam mo namang iba kung magalit si Mader Sitaw kamahalan. Walang sinasanto ang galit niya kahit pa sarili niyang kadugo." babala ni Beauty na muli na namang nagsalin ng wine sa kanyang baso.

Dahil sa sinabi ni Beauty bahagyang gumapang ang takot sa aking puso. Alam ko kasing hindi siya basta bastang nilalang. Naramdaman ko kung gaano siya kalakas. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang aking laman sa tuwing naaalala ko ang una naming pagkikita.

Pero hindi ko hahayaang talunin ako ng takot. Alam kong kaya kong maisahan si Mader Sitaw.

"Alam kong nag aalala ka lang sa'kin Beauty. At alam ko ring tutulungan mo ako." hinawakan ko ang kanyang mga palad.

Kita ko ang pagsuko ng kanyang mga mata. Alam kong hindi niya ako matitiis. "Matatanggihan ba kita kamahalan."

Niyakap ko siya dahil sa tuwa. Niyakap niya rin ako. Unang beses niya itong ginawa na gumanti siya ng yakap sa akin. Hindi na siya naiilang ngayon.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon