Knight Without A Shining Armor
VALENA
Nakalabas na kami ng kaharian ng Atarka at nasa bulubunduking bahagi na kami nang biglang napahinto ang mga kabayo.
Muntik pa kaming matumba sa loob dahil umalog ng malakas ang karwahe.
"Kamahalan inaatake tayo!" bungad sa akin ni Pogi na hindi ma drawing ang mukha.
"Sobrang dami nila!" dagdag pa nito.
Bigla namang naputol ang pag-uusap namin ng prinsesa.
Mabilis akong dumungaw sa bintana at nakita ang napakaraming grupo ng mga halimaw. Napatakip na lang ako sa aking bibig nang makita ko ang mga anyo nila.
Mukha silang mga pinatuyong isda at halatang hindi na sila nabibilang sa mundo ng mga buhay. Dahil ang kanilang mga balat ay naagnas na at nabubulok.
Para silang pinaghalong zombie at mummy sa hitsura nila.
"Ano ang mga iyan?" tanong ni Beauty na halos sumayad na sa sahig ang baba.
Mabilis ko silang tinipon.
"Mga bata magtago kayo at kahit anong mangyari huwag kayong lalabas." sabi ko sa tatlong bata.
Ngunit buong tapang na tumayo sa aking harapan ang tatlong bata.
"Lalaban kami ate! Tutulong kami sa inyo. Pakiusap po payagan niyo kami." sabi ni Kai.
"Delikado! Hindi ko kayo maaaring ilagay sa panganib lalo na at hindi natin alam ang lakas at kakayahan ng mga kalaban." sabi ko naman.
"Ate ayaw ko pong magtago. Sawa na po kaming matakot. Kaya po namin. Pakiusap magtiwala kayo sa amin." sabi naman ni Loh.
Tiningnan ko sila sa mga mata. Kita ko ang matinding determinasyon sa kanilang mga mukha.
Tiningnan ko si Crochet at tumango ito. "Ako ang kanilang guro may tiwala ako sa kakayahan nila, Valena." sabi nito.
"Tiwala po kami sa mga bata kamahalan." sabi naman ni Pogi.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Basta sa likod lamang kayo at hanggat maaari huwag kayong sumugod sa kanila. Crochet bantayan mo sila." sabi ko.
Nakita ko namang nagliwanag ang mga mukha ng tatlo.
"Galingan mo bunso!" sabi ni Gwapo at inakbayan si Loh.
"Syempre kuya." sagot naman nito at saka nag high five.
"Protektahan niyo ang bawat isa. Huwag niyong hayaan mawala sa paningin niyo si Rena." sabi ko sa mga bata.
"Kami pong bahala." sagot naman nito.
Halos dumugin na ng mga halimaw ang aming karwahe kaya nagpakawala ako ng mahika na lumikha ng malakas na shockwaves na nagpatilapon sa mga ito ng ilang metro ang layo sa aming sinasakyan.
Lumabas kaming siyam sa karwahe. Nasa unahan kaming lima. Samantalang nasa likod naman namin sina Crochet at mga bata.
Marami sa mga halimaw ay nawasak ang katawan dahil sa shockwave na tumama sa kanila. Nagulat kaming lahat nang nagdikit dikit uli ang mga naputol na bahagi ng kanilang katawan. Bumalik lang sila sa normal na anyo na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasíaAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...