Sumpa 101
VALENA
Nagpahinga muna si Mader Sitaw kaya nagpasya akong bumalik sa aking silid. Itinapon ko lang sa side table ang binigay niya sa akin na kalatas.
Humiga na lang ako sa malambot na kama.
Hanggang ngayon litong lito pa rin ang isip ko. Maraming bagay ang gusto kong malaman pero di ko alam kong paano ko sisimulan.
Kaya ang ginawa ko na lang ay nag redecorate sa aking silid. Ganito kasi ako kapag stress ako noong nasa lupa pa ako. Tamang tama at ayaw ko sa theme ng silid na 'to. Masyado kasing dark ang kulay gusto ko 'yong malamig sa mata at maaliwalas.
"Ano ba naman kasing klaseng silid ito parang kweba sa sobrang dark ng theme. Good thing nandito ako. Wag kang mag alala aking silid dahil bibigyan kita ng bonggang make over."sabi ko na mag isang nagsasalita. Abala ako sa paghahalungkat ng mga light color na mga tela pero wala akong mahanap. Lahat ay dark color talaga.
Tinawag ko si Beauty para humingi ng tulong sa kanya.
"Parang biglaan naman yata kamahalan. Ibig kong sabihin ay favorite color niyo kaya ang black, nakakapanibago na naghahanap kayo ng ibang kulay."magkasalubong ang kilay niya na gulong gulo sa nangyayari.
Natigilan ako saglit. Ngumiti na lang ako. "Nagsawa na kasi ako sa kulay itim. At maganda rin kaya 'yong paminsan minsan ay sumusubok tayo ng bago. Gaya nitong ginagawa kong make over sa kwarto."hindi ko alam kong nakumbinse ko siya sa alibi ko.
"Tsaka baka magalit si Mader Sitaw. Ayaw na ayaw pa naman nun ng mga makukulay."
"Edi wag nating ipaalam sa kanya. Hindi naman siya pumupunta dito diba?"sabi ko naman. Tumango tango naman siya.
"Pwede niyo namang gamitan ng mahika at baguhin ang kulay nito sa nais niyo."sabi niya sabay tingin sa akin na parang batang naghihintay na mag magic ako.
Patay! Wala nga akong alam kung paano gamitin ang kakayahan ng katawang ito. O kung makakagamit ba ako ng mahika?
"Ayaw ko sa mabilisang solusyon, Beauty. Mas gusto ko 'yong pinaghihirapan ko. Basta ikuha mo na lang ako ng mga kulay na kailangan ko."sabi ko sa kanya at hinawakan ang kulubot niyang kamay to convince her.
"Kayo po ang masusunod."sabi niya. May kakaiba sa mukha niya parang mukhang naninibago siya at the same time ay may pagdududa sa kanyang paraan ng pagtingin.
Naging successful naman ang pagbabagong bihis ko sa aking silid. Mas makulay, mas maaliwalas at mas kaaya ayang tingnan. Mas gumanda lalo ang buong silid. Hindi na parang bahay ng kwago.
Sa sobrang saya ko ay nayakap ko si Beauty na ikinabigla niya.
Hindi niya yata nagustuhan dahil bigla siyang kumawala.
"Ano po 'yong ginawa niyo kamahalan?"nalilito niyang tanong.
"Yakap lang yun. Bilang pasasalamat sa tulong mo."wala sa isip kong sagot na nakangiti pa rin sa kanya.
"Kasi po... Di po kayo mahilig sa ya... Di bali na lang po."sabi niya at ngumiti na rin.
+++++++
Palabas na ako ng aking silid nang makita ko ang dalawa pa sa mga taga silbi na mga bruha.
Mukha yatang nag aaway ang dalawa. Halata ang galit nila para sa isa't isa.
"Bakit mo kinain si Darcy, ang alaga kong daga? Napaka takaw mo!"nagpupuyos sa galit na sabi nung isang tagasilbi na patulis ang baba na parang espada.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasyAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...