Chapter 32

272 29 0
                                    


True Beauty, Really Pretty

Third Person POV

Bumwelo naman ang kaliwang kamay nito. Malamang ay nais niyang durugin ang mukha ng dalaga sa pamamagitan ng pagsuntok sa mukha nito ng ilang ulit.

Handa na niyang gawing punching bag ang mukha ni Valena.

Pigil hininga naman si Valena dahil di niya magawang makalaban. Pakiramdam niya sasabog na ang rib cage niya sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

"Is this my end?" tanong ng dalaga sa kanyang isipan.

Mula sa nakakuyom na kamao ng binata may bumalot na itim na awra. Mukha talagang wala siyang balak na buhayin ang dalaga. Talagang gusto niyang wasakin ang mukha nito.

At nang susuntukin na niya ang dalaga. Isang palaso ang tumama sa balikat at sa gilid ng kamao nito.

++++++++

VALENA

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata dahil alam kong direktang tatama ang malaki niyang kamao sa aking mukha.

Ngunit nang makita ko na may panang bumaon sa kamao niya di ko na itinuloy ang pagpikit. Bagkus ay napadilat pa ako dahil gusto kong makompirma kung talaga bang tumigil ang halimaw na si Colvin.

Tama nga ako animo'y naging estatuwa siya ilang pulgada na lang ang layo ng kamao niya sa aking mukha. Pero para siyang naparalisa at tumigas ang katawan.

Nang ipinihit ko ang aking leeg papuntang kanan nakita ko ang prinsipe. Bukod sa panang hawak niya ay nakita ko rin ang kapsulang nakakapag paralyze sa kanyang kamay.

Agad kong naintindihan ang nangyari kay Colvin kung bakit bigla itong na estatuwa.

Napansin ko naman ang unti-unting pagsulpot ng ulo ni Crochet mula sa aking katawan. Animo'y nabalot ako ng enerhiya at ramdam ko ang panunumbalik ng aking lakas. Di ko na maramdaman na nagkaroon ng pinsala ang aking katawan kahit katiting man lang. I felt renewed and revitalized.

"Maraming salamat sa'yo Crochet. The best doctor/healer ka talaga!" kinindatan ko siya.

Niyakap niya naman ako. "Trabaho ko ang panatilihin kang ligtas pero walang anoman."

Balik na uli ang atensyon ko sa paligid . Alam kong 'di pa tapos ang laban. Unti unti na ngang nanunumbalik ang kontrol nito sa kanyang sarili. Nakita kong naigagalaw na niya ng bahagya ang kanyang mga daliri.

At matapos kung maialis ang aking sarili mula sa pagkakabaon sa katawan ng puno. Di nagtagal naigagalaw na rin nito ang kanyang buong katawan. As expected sa isang kagaya niyang may malakas na awra.

Bago pa man siya tuluyang makabawi ay uunahan ko na siya sa pag atake.

Umayos ago ng tayo. Ipinikit ko ang aking mga mata. Huminga ng malalim ngunit kalmado. Ipinagdikit ko ang aking dalawang palad na animoy magdadasal.

Unti-unting may lumabas na magic hexagon sa lupa kung saan ako nakatayo. Dahan dahan namang nabuo ang mga petals ng bulaklak na rosas na gawa sa magic dust. Pumalibot ang mga petals sa akin. Binalot ako nito. Nagmistulang nasa loob ako ng isang semi-transparent na bulaklak na hindi pa namumukadkad.

Reincarnated As A KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon