Friendly Magic Tournament
Valena
"Peace Treaty Tournament?" naguguluhan kong sabi.
Ipinaliwanag naman nila ang lahat sa akin.
Ang peace treaty tournament daw ay isang annual na patimpalak kung saan naglaban laban ang mga kalahok mula sa limang founding members na mga kaharian na pumirma sa peace treaty noong panahon ni Luna Strorfes.
Habang ang magic tournament ay ginaganap naman sa mga bayan all year round saan mang sulok ng Faraway Land.
Elite magic tournament naman ang tawag sa patimpalak ng five founding members ng peace treaty. Ang mga nananalo dito ay may chance na mag compete sa peace treaty tournament.
++++++++
Dahil na curious ako sa kanilang iminungkahi ay minabuti kong manaliksik tungkol dito.
Ayon sa nabasa kong libro ang Peace Treaty Tournament ay ang masasabing mother of all magic tournament sa mundong ito.
Ang layunin ng taonang patimpalak na ito ay ang paggunita sa pagkakaroon ng kapayapaan sa limang founding members. Ang limang kaharian na iyon ay ang Whisanra, Arasya, Atarka, Chlorosas at ang Bulgaris. Ito ang limang kaharian na founding members ng peace treaty.
Ang peace treaty tournament ay isang selebrasyon ng pagkakaisa at pagkabuklod buklod ng mga kaharian na dati ay balot ng digmaan at hidwaan. Ito ang nagsisilbing paalala upang hindi na maulit ang mga nakaraang mga digmaan sa limang kahariang ito.
Naisip kong magandang ideya nga ang pagkakaroon ng friendly magic tournament sa aming grupo dahil masusukat ko kung gaano na kaunlad ang kanilang mga kakayahan patungkol sa mahika, lalong lalo na ang mga bata at sina Pogi at Gwapo.
At daahil gusto kong ibigay ang gusto ng aking mga kasamahan ay minabuti kong magdaos ng friendly magic tournament kung saan kaming lahat ay ang magiging kalahok.
Subalit naisipan ko ring lagyan ng kaunting twist ang gagawin kong patimpalak.
Ipinatawag ko sila sa silid ng pagpupulong.
Nakapalibot na kaming lahat sa bilog na mesa.
Makikita sa mukha nila ang pananabik at antisipasyon sa aking sasabihin.
"Dahil malakas kayo sa akin kaya naman payag na ako sa inyong gusto. Magdadaos tayo ng isang friendly magic tournament." sabi ko at nakita kong nagliwanag ang mga mukha nila sa narinig.
"Yehey! Salamat po ate Valena." sabi ng tatlong bata na hindi mapigilang magsitalon dahil sa tuwa.
"Yun oh. Sabik na akong subukan ang aking mga natutunan." sabi ni Pogi.
"Ako rin bro. Humanda ka dahil di ako papatalo." sabi naman ni Gwapo.
"Kailan at saan gaganapin ang palaro, Valena?" tanong ni Beauty.
"Tatlong araw mula ngayon ay magaganap na ang palaro. Surpresa muna ang lugar na pagdadaosan. Pero asahan niyong bukas o makalawa ay malalaman niyo rin kung saan ito gaganapin." sagot ko naman.
"Grabe sabik na sabik na ako ngayon pa lang." sabi naman ni Pretty.
"Nga pala muntik ko ng makalimotan. Gusto kong malaman niyo na marami akong twist na ginawa para sa torneyong ito. Hindi ito isang tipikal na palaro dahil marami akong mga elementong idadagdag." sabi ko na nagpatahimik sa kanila.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Kontrabida
FantasíaAfter she died she heard an unknown voice calling her and giving her a new name. Upon hearing a voice that sounds like an angel. She instantly believes that she was going to heaven. Her world turns upside down as she learns that she was neither in h...